“WALANG KAKAIN NG PIZZA KO!” sigaw ni Erin, ramdam ang halong inis at pagka-frustrate sa boses niya. Ngunit hindi tumigil doon si Daniel. Sa mga sumunod na araw, tila naging misyon niya ang magpadala ng kung anu-anong pagkain kay Erin—mga bagay na alam niyang panira sa healthy diet nito. Kung ganito pala ang paraan niya ng panunuyo sa ibang babae, baka lalo pang magalit at magtampo si Erin. Bakit ba kailangan pang pagkain? Hindi ba uso ang flowers o mga simpleng gesture na romantically sweet? Pero hindi—si Daniel, sa kanyang kakaibang paraan, ay patuloy na nagpapadala ng mga pagkain na parang sinadya para sa kanya, parang alam niya na matutuksong ilabas ang kaunting kahinaan ni Erin sa self-control at prinsipyo niya sa pagkain. Nang dumating ang isa pang package, nakatayo si Erin sa kusi

