KINOMPRONTA ni Erin si Alłcła. “Kanino talaga galing ‘yon?” Tanong niya, halatang may halong galit at pagka-intriga. “Kanino ba sa tingin mo?” sagot ng kaibigan, may ngiting panunukso na halos magpahayag ng lahat ng alam niya nang hindi sinasabi. Base sa nakikita niyang panunukso sa labi nito, agad na nakumpirma ni Erin sa sarili na kagagawan nga iyon ni Daniel. Parang nanlaban at sabay nang humanga sa pagiging predictable ng lalaki. Ngunit ang nakaka-dismaya, sinabi ni Alłcła na inutusan lang siya ni Daniel. Tumanggi pa nga si Alłcła noong una, ayaw niyang magkaroon ng kahit na anong connection kay Daniel. Pero nablackmail naman siya ni Andrew, kaya walang magawa kundi sundin ang utos. “Walanghiyang magpinsan iyon, napagkaisahan ako. Kaya ayan, ako pa talaga naging tulay para magpakag

