Humanap si Erin ng pwesto sa loob ng coffee shop kung saan hindi siya madaling mapapansin at hindi rin siya mabobother ng ibang tao. Pinili niya ang sulok malapit sa bintana, bahagyang natatakpan ng indoor plant para kahit paano ay may konting privacy. Kailangan niya ng lugar kung saan pwede silang mag-usap nang diretsahan, walang sagabal, at walang ibang makakarinig sa kanila. Sumunod si Daniel na para bang hindi siya binigyan ng option kundi tanggapin ang presensya nito. Hindi ito nag-atubiling umupo sa tapat niya. May katahimikan sandali, tanging tunog lang ng espresso machine at mahihinang pag-uusap ng ibang customers ang naririnig. “So, pwede mo na ba sabihin sa akin?” tanong ni Daniel, diretsong nakatingin sa kanya. Ang mga mata nitong kulay tsokolate ay hindi kumukurap, puno ng pa

