WARNING: RATED SPG. 18+ advised. Tila tinatambol ang dibdib ni Erin sa lakas ng pagpintig ng puso niya. Naalala niya ang unang pagkakataon na sinubukan niyang manood ng p*rn video sa kanyang kwarto. Labinlima pa lang siya noon at napukaw ang kanyang curiosity pagkatapos niyang malaman ang tungkol doon sa mga lalaki sa klase niya na nagtutuksuhan tungkol sa Tarzan X. Parang naririnig niya ang pagdaloy ng dugo sa kanyang mga ugat, nagpapabilis ng bawat pintig ng puso niya. Bumaling sa kanya si Daniel. "Nervous?" Nanginginig na kumawala ang kinakabahang tawa sa labi niya. "I'm not," pagsisinungaling niya, pilit itinatago ang kaba. Gumuhit ang ngisi sa labi nito, malinaw na alam niya ang pagtanggi ni Erin. Binitiwan niya ang kanyang sariling palad sa pamamagitan ng kagat sa ibabang-labi,

