Chapter 5

1543 Words
"What the.." Nagising akong katabi na si Ash. Paano to nakapasok? May nangyari ba? Tinignan ko yung ilalim ng kumot may damit pa naman ako. Iniwan ko na siyang tulog at pumasok ako sa banyo niya naligo ako paglabas ko wala siya sa kwarto kaya nagbihis na din ako at paglabas ng kwarto nakita ko si Ash sa sala nanonood ng TV. "Kanina ka pang gising?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya magsalita. Umupo ako sa tabi niya at kinulit siya pero deadma lang siya, tss. Maya maya tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ako ng text galing kay Kaye. From: Kaye Bessy dadalaw daw sila Mommy at dito mag didinner uwi ka muna. Nang nabasa ko yun hindi na ako nagdalawang isip na tumayo kasi pagnaabutan ako ni Tita Ynna na wala sa bahay namin nila Kaye baka sabihin kay Mommy na naglalakwatcha na ako ng gabi ng di kasama yung dalawa. Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Ash ramdam kong sinusundan niya ako ng tingin pero hindi ko na siya nilingon. May mga damit ako dito gawa ni Ash ayaw pumayag na hindi ako magiwan ng damit. Naka ripped jeans akong black, plain V neck na grey, at sneaker ang suot ko tapos ung handy bag ko. Palabas na sana ako ng pinto ng condo ni Ash ng bigla siyang magsalita. "Where are you going?" Tanong niya pero hindi ko siya hinarap. "Nagtext si Kaye, dadalaw ung Mommy niya baka hanapin ako." "So aalis ka ng walang paalam?" Ramdam ko yung galit niya sa tono pa lang. Hinarap ko siya at nakita kong nakatayo na siya at ilang lakad pa nasa harap ko na siya. "Ayaw mo kaya ako kausapin tapos magagalit ka! Kanina pa ako nanunuyo sayo nung nandun tayo sa sofa tapos ngayon ganyan ka!" Hindi ko na napigilan ang inis kaya ko nasabi yun sa kanya. Totoo naman kasi, sinusuyo at kinakausap ko siya kanina pero hindi siya naimik. Hindi na siya nagsalita kaya lumabas na ako ng condo niya narinig ko ang tawag niya pero hindi ko tumigil at saktong bukas ang elevator at bago ito magsara nakita ko si Ash tatakbo para habulin ako pero huli na siya nagsara na yung pinto ng elevator pagbaba ko naulan. Kamalasan naman oh! Tumakbo ako kasi nakita ko si Ash malapit na kaya kahit mabasa ako nangharang ako ng taxi at sumakay. Nakita ko si Ash na galit na galit. Hooo! Teka, bakit ko nga ba siya tinatakbuhan? Dahil naiinis ako? Naku naman oh! Pagbaba ko sa taxi nakita ko si Laila na nagaabang sa labas ng bahay namin. "Bessy!" Tawag ko sa kanya at nilapitan niya ako at may dala siyang payong. Pagpasok namin sa bahay wala pa sila Tita Ynna. "Ano oras daw ng dating ni Tita, Kaye?" Tanong ko Kay Kaye na nagluluto. "Hindi na sila tuloy may bagyo daw mahirap bumyahe." Tumango na lang ako at dumiretso sa kwarto ko tapos naligo na ako kasi nabasa nga ako ng ulan. Pagkatapos ko paglabas ko ng kwarto ko nakita ko sila Kaye na nag aayos na ng lamesa kaya tinulugan ko sila. "Ay kanina pa palang natawag samin si Ashton, hinahanap ka GALIT NA GALIT!" Diniinan talaga ni Laila uung galit na galit. s**t! Nakalimutan ko na si Ash! Ginising ako ng aking alarm clock. Tamad na tamad akong tumayo sa aking kama kasi hindi ako masyado nakatulog kagabi kasi iniisip ko si Ash kung ano nangyari sa kanya. Pagkabangon ko naligo na agad ako at nagbihis pwede naman sa school namin ang kahit anong suotin kaya nag suot na lang ako ng lacey off the should top at maong pants. Kumain kami sabay sabay nila Kaye at Laila. Nang makakain kami ay lumabas na kami ng bahay sumakay na din kami sa kotse. As always si Kaye ang nagdrive. Sabay sabay kaming pumunta sa classroom namin pagdating ko wala pa si Ash. Mabuti naman wala pa siya. After a minutes nag ring na ang bell meaning malapit na mag start ang klase pero wala pa din si Ash, papasok kaya siya? To: Ashton Papasok ka ba? Malapit na magstart ang class. Inabot ng seconds, minutes ang text ko pero walang reply galing kay Ash. Samantalang dati hindi na nag one minute may reply na, galit nga ta talaga ang mokong. Kakatapos lang namin mag groupings para sa reporting ng nakita kong pumasok na lang bigla si Ivan Aston Madrid walang excuse excuse dirediretso siya. "Mr. Madrid! Excuse me, where's your manners?" Tinignan lang ni Ash ang teacher namin at hindi pinansin. Sanay na naman ang mga teachers sa ugali niya. Buti nga hindi si Ms. Sarmiento ng first subject teacher naming ngayon. "Okay, since wala namang patutunguhan ang usapan natin.. Kaya- sino nga ang may pinaka kakaunting kagrupo?" Tanong ni Mrs. Fernando. Nagulat ako ng itinaas ng isa kong ka grupo ang kamay niya. Binilang ko ang sa iba limahan sila kami lang ang apat. Patay na! "Okay, Mr. Madrid dun ka sa grupo nila Ms. Perez." Pinanood ko siyang lumapit samin at umupo sa tabi ng isa pa naming kagrupo. Alam kong galit siya kaya naisipan kong itext siya. To: Ashton Pst! Galit ka ba? Nakita kong tinignan niya ang phone niya pero hindi siya nagreply. Kukulitin ko siya, bahala siya. To: Ashton Galit ka pa ba? Uy? After a minutes To: Ashton Replyan mo naman ako Wag mong tignan lang ang mga text ko Pst! Uy!! Ashton! Galit ka nga. Sabi ko nga! Tinadtad ko siya niyan ng paulit ulit. Hanggang sa nakita kong inoff niya ang phone niya. Hindi mahaba ang pasensya ko kaya alam kong naiinis na din ako. This shouldn't be my attitude since I am the one who is in fault pero naiinis talaga ko. Ako na nga nag sosorry, ayaw pa niya. I don't know what to do with him. "K." Bulong ko sa sarili. Tumayo ako ng padabog at lumabas, ramdam ko ang pagsunod niya ng tingin saakin. Nagtagal ako sa comfort room, kainis lang sa room. Maya maya tumunog ang phone ko akala ko si Ashton na pero si Laila lang pala hinahanap na daw ako ng teacher namin kaya nagdesisyon na akong tumaas. "Ms. Villamor where have you been? Are you trying to cutting classes? "No, Ms. Galing po akong cr tapos diretso drinking fountain" Pagsisinungaling ko sabay upo sa inupuan ko kanina. Tumango lang ung teacher ko. Hindi ko na muna poproblemahin si Ashton focus muna sa report. Nagusap kami sa gagawin sa report except kay Ashton na nakatingin lang saamin. Saktong pagkatapos namin mag usap usap about sa report namin biglang nag ring ang bell meaning next subject ayst salamat tapos na ang subject na un makakabalik na ako ng proper seat ko, ay oo nga pala nasa likod ko si Ashton. Hanggang sa natapos ang klase maghapon wala kaming imikan ni Ashton. Hindi naman sa lahat ng subject ay kaklase ko siya kaya hindi din ako nahirapan na iwasan siya. I know na kung ganito kami ay hindi namin maayos ang problema. Siguro kailan muna namin pareho magpakalma in order to fix things. Mainit ang ulo niya dahil sa ginawa ko at ganun din ako sa pag ignore niya sa mga sorry messages ko. I should apologize in person pero wag muna ngayon. "Saan tayo guys? Maaga pa naman." sabi ko kina Kaye. "May date kami ni Charles kaya pass muna ako." Sagot ni Laila. Nagpatuloy kami sa paglalakad pa parking kung nasasaan ang sasakyan naming tatlo ng nakita na namin si Charles. "I need to go guys." Paalam niya samin ni Kaye. Ngumiti naman samin si Charles bago kumaway at pinagbuksan si Laila ng kotse. Nilingon ko si Kaye na tahimik sa tabi ko. "How about you? Any plans for this afternoon?" Umiling siya. "Masakit ulo ko, so none." Hinawakan ko ang noo niya kung mainit ngunit hindi naman. I want some coffee ngunit wala akong kasama kung mag didine in pa ako plus parang mas gusto kong sa condo na lang muna mag pahinga. "Ako na magdidrive. Matulog ka muna dyan, dadaan lang ako ng starbucks." Ani ko. Tumango lamang si Kaye saakin at naupo na sa tabi ko. Maalam naman akong mag drive ngunit hindi ko masyadong feel kaya madalas si Kaye ang nag ddrive saamin. Gaya ng naisip ko ay dumaan muna ako sa starbucks. I ordered frappe. "You want anything?" Umiling lamang si Kaye. Bumili na lang din akong gamot ni Kaye bago bumalik sa condo ng makapag pahinga na siya. Paglabas namin ng elevator ay kita ko na agad si Ashton sa may pintuan namin nakahilig duon. Nang nakita ang pagdating namin ay mabilis siyang tumayo ng ayos at ngumiti saamin. "What are you doing here?" I asked. "Magbati na tayo." Sagot niya. Ayaw ko maging marupok kaya pinipigilan kong ngumiti kahit na alam ko sa sarili ko na nawala na ang inis ko sa kanya mula kaninang umaga. Hindi ko agad napansin na may hawak pala siyang bulaklak. Nakita ko lamang ng iabot niya iyon saakin. Kinuha ko naman ng hindi siya tinitignan dahil nagpipigil ako ng ngiti. Pinagbuksan ko muna si Kaye ng pinto bago tinanggap ang bulaklak na alok ni Ashton. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD