Nakakuha ako ng message galing kay Mommy at gusto nila akong pumunta sa bahay. Kaya iyon nga ang ginawa ko.
"Kamusta ka na, anak?" Tanong ni Mommy ng matapos akong yakapin pag dating ko duon.
"Okay naman po. Si daddy?" I asked.
"Nasa office niya sa taas. Puntahan mo kung gusto mo." Umiling na muna ako.
Giniya ako ni Mommy sa kusina dahil nagluto daw siya. "Galit pa po ba si Daddy?" I asked.
Umiling si Mommy. "Hindi na, anak. Alam mo naman ang daddy mo. Pagpasensyahan mo na lang." Tumango na lang ako kay Mommy.
Alam kong gusto lang ni Daddy ang tama para sakin. Maswerte ako kay Mommy at tinutulungan niya pa din ako. "Thank you, Mom." Nilingon niya ako pagkatapos timplahan ang niluluto.
"For supporting and helping me here." Binaba niya ang hawak tsaka lumapit sakin bago ako niyakap.
"Of course, anytime hija. I am your mother so I have to support you at the same time bring you back in the right path." Napangiti ako duon bago mas hinigpitan ang yakap.
Nagpatuloy si Mommy sa pagluluto at ako ay nagpahinga sa taas. "Anak kakain na. Tawagin mo ang Daddy mo." Rinig kong boses iyon ni Mommy sa liko ng pintuan ng kwarto ko.
Sinunod ko naman ang utos niya. Huminga muna akong malalim bago kumatok sa pintuan ng office ni Daddy dito sa bahay. "Dad?"
Hindi ako nilingon ni Daddy pero tumugon siya. "Uhm?"
"Dad, I am sorry." Hindi ako lumapit sa table niya. Nanatili ako sa may pintuan nito.
Nilingon na niya ako this time. "Dad, sana po mapatawad mo pa ako." Bulong ko sakto lang para marinig niya. Nakayuko lang ako dito at hindi makatingin sa kanya.
"Come here," nilingon ko siya at binaba niya ang eye glasses niya.
Lumapit ako dito pero may distansya pa din. "I am so sorry," ulit ko sabay tulo ng mga luha ko, mabilis ko naman iyong pinawi. Tumayo na siya at lumapit sakin.
Nag angat ako ng tingin kay Daddy na nasa harap ko na. "Matitiis ba kita. You're my princess." Natawa ako duon tsaka niyakap siya.
Naluha ako lalo dahil duon. "Thank you, Dad. I love you so much." Ani ko habang nakayakap ng mahigpit. "I love you too, my princess." Sagot nito.
"Basta wag mo na iyon uulitin ha. You're my unica hija kaya gusto ko nasa tama ka at hindi ka namamali ng daan. Lalo na at malapit ka na matapos ng pag aaral, ayokong duon ka pa madapa." Tumango ako at niyakap pa ng mahigpit si daddy.
I'm feel really lucky with my parents right now. Hindi ko expect na mapapatawad nila ako kaagad pero mukang hindi nga nila ako matitiis. Bumaba na kami sabay ni Daddy para sa pananghalian. Dito din ako nag ubos ng maghapon.
Hinatid nila ako sa condo namin nila Kaye ng natapos na kami mag hapunan.
Nakakulong lang ako sa kwarto ng nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Bumangon ako at sinilip iyon. Sila Ezekiel at Charles mga bagong dating. Bumalik na ako sa kama ko dahil hindi pa din ganun nag sisink in sakin ang lahat ng nang yayari ngayon.
May kumatok sa pintuan ko kaya napalingon ako duon. "Come in!" Nagbukas nga iyon at si Kaye iyon.
"May pagkain kami duon. Tara?" Yaya niya.
"Sige mamaya na ako. Susunod na lang." Ani ko sa kaibigan na tumango sakin.
Pakiramdam ko ang boring ng buhay ko pag wala si Ashton. Lumabas na din ako at nakisama sa mga kaibigan para naman mawala kahit papaano ang lungkot na nararamdaman ko. Nanood kami ng movie habang kumakain. Hindi ko na naintindihan ang story dahil tulala lang naman ako habang kumakain.
Gusto ko mang makisama at manood na parang dati lang din ay hindi ko magawa dahil sa lungkot na nararamdaman ko. Comedy ang pinanonood namin pero naiyak ako dahil hindi ko na kayang tiisin pa. Narinig kong natigilan sila sa pag tawa at naramdaman ko ang kamay nila na hinahagod ang likod ko.
"Nandito lang kami bessy." Ani Laila sakin habang nakalagay ang ulo niya sa balikat ko. Si Kaye naman ay kunuha ako ng tissue.
"I'm sorry guys." Natawa ako sabay pahid ng luha.
"It's okay na umiyak, bessy." Anila sakin. Tumango ako pero pinilit ko ang sarili na kumalma.
Nang nakabawi ng lahat at nakabalik na muli sa panonood ay nagpaalam akong tutulog na kaya tahimik lang ako pumunta sa kwarto ko. Ayoko ng idamay pa sila sa kalungkutan ko kaya mas pinili kong umiyak sa kama ko mag isa hanggang sa makatulugan ko na naman ito. Mukang ito ang magiging hobby ko ngayon ah.
Naalimpungatan ako sa ingay sa labas kaya sinilip kong muli iyon. Nagkakagulo sila kaya lumabas na ako. Duon ko nakita si Ashton na mukang nakainom na naman.
"Zea," tawag niya sakin. Binitawan siya nila Ezekiel at hinayaang lumapit sakin.
Niyakap niya ako kaagad at naramdaman ko ang mga luha niya.
"Please I'm sorry kung ano man ang nagawa ko. I need you, Zea. Hindi ko kayang wala ka." Aniya habang humihigpit ang yakap sakin. Hinayaan ko siya dahil gusto ko maramdaman ang init ng katawan niya sa malamig kong katawan.
I need to charge gamit ang yakap niya.
"Ashton," panimula ko.
"I'm sorry. Please, come back to me." Duon tumulo na din ang luha ko na mabilis kong tinuyo. "Come back to me. I'm begging you, Zea." Ang sakit marinig na nag mamakaawa siya sakin.
Gustohin ko man kaso hindi talaga pwede. Lalo na't kababati lang namin ni Daddy. Baka magalit na naman iyon sakin at kung ano pang magawa kay Ash at ayokong may mangyari sa kanya.
"I'm sorry, Ash. Umalis ka na." Umiling siya at mas lalo pang humigpit ang yakap.
"Let go, Ashton." Ani ko.
Umiling siya. "No. I need you, Zea. Pleasee!" Ang luha niya ay nagiging hagulhol na. Mukang lasing siya kaya ganito din. "I'm sorry, Ashton. Please wag na natin pahirapan pa ang mga sarili natin."
"Wala akong matandaan na ginawa kong masama sayo sa Palawan kaya please. Tell me why. Don't leave me hanging." Umiling lang ako sa binata dahil sumisikip na din ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman.
Alam kong pareho kaming nasasaktan ngayon sa desisyon kong ito. "I'm sorry. Umuwi ka na." Nilingon ko sila Ezekiel at Charles.
Nakuha naman nila ang meaning ko kaya hinila nila si Ashton paalis sakin. Nag wawala siya na wag akong lumayo.
"Umalis ka na." Ani ko bago siya tinalikuran at bumalik sa kwarto ko. Duon ko na naman nilabas ang lahat ng sakit. Gusto ko ng matigil itong sakin. Ayoko na!