Uwian na at aaminin ko wala akong naintindihan sa lahat ng subject sa araw na 'to. Pakiramdam ko magkakasakit ako, masakit ang ulo ko kanina pang lunch kasi naambunan ako nung umaga.
Nagpunta muna ako sa rooftop kasi utos ni Mokong. As always. Kahit ayaw ko pumunta kasi masakit nga ulo ko pumunta pa din ako.
Ilang minutes na ako dito ang tagal niya at masama pa ulit ang panahon mukang uulan na. Nakidlat at nakulog na. Nagsisimula na ding pumatak isa isa ang mga ulan.
Biglang nagflashback lahat ng nangyari sakin dati..
"Lola? Lolo?" Tinatawag ko sila kasi mukang uulan na at nasa park kami. Nagpunta kasi ako sa slide pero nagpaalam ako sa kanila. May piknik kasi kami ngayon lagi na kasi sila Mommy at Daddy nag oout of town kaya sila Lolo at Lola ang nakakasama ko.
Halos malibot ko na ang park hindi ko sila makita. Naalala ko nasakin ung cellphone ni Lolo kasi kinuha ko kanina. Tinawagan ko si Lola pero hindi nasagot kaya si Mommy na ang tinawag ko na ngayon ay nasa biyahe pauwi na galing sa pag oout of town nila. Sa ikalawang ring sinagot ni Mommy..
"Mommy.." Bungad ko sa kanya pinipigilan kong umiyak kasi sabi ni Lola "be kind and brave girl" daw ako kaya sinunod ko un.
"Zea is this you?"
"Yes Mommy.." hindi ko na napigilan at napaiyak na ako.
"Honey? What happened? Why are you crying?"
"Mommy I think..I l-lost Lolo and Lola. I'm here at our f-favorite park."
"Okay stay there. Papunta na kami."
"Okay, I'll w-wait Mommy" pinatay ko na ang tawag. I'll wait for them.
Habang inaantay sila Mommy at Daddy naisipan kong naglakad lakad habang naglalakad ako nakita ko sila Lolo at Lola. Nahanap ko na sila pero napatigil ako ng may nakita akong mga lalaking may baril at nakatutok sa kanila. Papalapit na ako ng palapit tinawag ko sila.
"Lolo!! Lola!!" Tawag ko at lahat sila tumingin sakin pero nagulat ako sa mga sinigaw si Lola.
"Apo tumakbo ka na. Save yourself.. Remember all what I said to you.. Lolo and Lola love you al--" Hindi na natapos ni Lola ang sinasabi niya ng binaril siya sa ulo.
Kita ko ang mga dugong umaagos mula sa pagkakabangsak ni Lola. Gusto ko mang lumapit pero hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Ang mga luha ko ay isa isa na namang pumapatak.
"Run apo, we love you!" Si Lolo ang sinunod nilang binaril at bumagsak din ito sa tabi ni Lola. Tumakbo na ako at sabay ng pagtakbo ko ay ang pag ulan. Natatakot na ako sobra!
Pumunta ako sa isang sulok ng park at dahilan ng hindi nila pagkakita saakin. "Lolo, Lola.. They died because of me," Yan ang paulit ulit kong sinasabi. Hindi ko na napigilan ang paghikbi at may narinig akong boses na pamilyar.
"Honey? Zea? where are you baby?" Rining kong sabi ni Mommy at nagulat ako ng may lumapit sakin. Nakita ko ang muka ni mommy na nagaalala at naiyak.
"Lolo, Lola.. They died because of me," Yan ang paulit ulit kong sinasabi habang tulala.
Tulala, Hindi nakain, at pag nakakarinig ng kulot at kidlat ay bumabalik ang trauma ko nuong araw na iyon.
Napaupo na lang ako at napayakap sa tuhod ko. Takot at umiiyak ako ngayon. Takot na bumalik yung pumatay kila Lolo at Lola. Umiiyak ako kasi mawala ang Grandparents ko ng dahil sakin.
Hindi ko na namalayan na nasa harap ko na si Ash. Hindi ko na naririnig si Ash pero alam kong may sinasabi siya sakin.
Nanginginig ang mga kamay ko ganun din ang buong katawan ko. Nakakaramdam ako ng takot at lamig dahil sa lakas ng ulan. Ang tunog ng kulog at kidlat ay nagpapasigaw sakin sa takot.
Nagising ako sa mga boses na naririnig ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko nakita ko si Ash, Kaye at Laila. Dali dali akong nilapitan ni Ash at Kaye tapos si Laila lumabas.
Umupo ako galing sa pagkakahiga tapos umiyak habang tulala. Naalala ko na naman yung nangyari nung namatay ang grandparents ko sa harap ko pa mismo.
Maya maya bumukas ang pinto at nakita ko ang family doctor namin si Doc. Marasigan nilapitan niya agad ako at kinausap.
"Don't think about it. Like what I always said just think your happy memories. Just think what your Lola always said, okay?" Tumango na lang ako tumigil na din ako sa pag iyak. Nang kumalma na ako hinarap ni Doc sila Ash.
"Can I talk to you outside Mr. Madrid?" Tanong ni Doc kay Ash at lumabas na sila kami lang ni Kaye at Laila ang natira. Alam nilang dalawa ang nangyaring yun dati.
"Kamusta na feeling mo bessy?" Tanong ni Kaye.
"Medyo okay na ako. Gusto ko lang muna magpahinga." Hinayaan nila akong mahiga at bumalik sa pagkakatulog kasi alam kong alam nilang pagod ako sa mga nagaganap ngayon.
After nung nangyari kinabukasan umuwi na ako. Kasi pwede na naman ako umuwi.
Hindi ako binisita nila Mommy at Daddy kasi out of town sila for business as always pero tumawag sila para kamustahin ako at hindi daw sila makakauwi. Nakakamiss lang sila pero sana'y na ako. Buti na lang at weekend na kaya makakapagpahinga ako ng maayos.
"Bessy?" Rining kong besos ni Kaye sabay katok.
"Oh?" Pasigaw kong tanong sa kanya.
"Gutom ka na ba?" Pasigaw din niyang sabi. Lumapit ako sa pinto at binuksan dito nakita ko si Kaye at Laila na may dalang isang tray na puro pagkain.
"Bakit pa kayo nagdala ng pagkain ko, eh pwede naman akong bumaba na lang" Sabi ko kanila sabay kuha ng tray ay dadalhin sa kusina. "Kasi baka mapaano ka pa." Sagot naman ni Laila.
"Ang oa niyong dalawa, okay na ako no." Sabi ko sabay lapag ng pagkain sa dining table at sinimulang kumain.
"Nag aalala lang naman kami sayo" Nakasunod pala sila sakin papunta dito sa dining table.
"May naisip ako. Pagkakain ko aalis tayo." Bigla kasing pumasok sa isip kong umalis ng bahay nakakabored kasi. "Huh? Saan naman tayo pupunta kakalabas mo lang ng hospital" Sagot ni Laila.
"Anong kakalabas ka diyan isang araw na din akong nakalabas. Bored na bored na ako dito"
"Siguraduhin mo lang na kaya mo." Tumango ako at tinapos ang breakfast ko.
Nang natapos ako hinugasan ko na ang kinainan namin tapos bumalik ako sa kwarto para mag ayos. Naligo, nagbihis at naglagay ng konting make up. Ang suot ko pala ay tube top dress.
Pagkatapos kong mag ayos at bumaba na ako at naabutan ko sila Kaye at Laila na bihis na din. Kaye is wearing a shirt tank top and a mini skirt na isang tuwad lang kita na lahat while Laila is wearing her red fitted long sleeve dress.
Pagkababa ko ng hagdan niyaya ko na sila papuntang kotse, ako ang magdidrive. Ako may alam ng pupuntahan namin. "San ba talaga ang punta natin huh Zea?"
"Sa dalawang favorite place natin. Magcecelerate!" Ayun tuwang tuwa ang dalawa. Ang tinutuloy kong favorite place namin ay mall at club.