TRIGGER WARNING: SELF HARM (skip this chapter) Hindi alintana ni Nenita ang malakas na pagbuhos ng ulan. Sa bawat ragasa ng tubig-ulan sa kanyang katawan, bumubuhos rin ang mga luha sa kanyang mata. Nakidalamhati ang kalangitan sa kanya. Hindi niya kayang panghawakan ang sakit sa damdamin na naramdaman. Kahit anong pag-iyak, pagsigaw ang ginawa niya hindi parin naibsan kahit kauting ang sakit sa kanyang puso. "They wanted me to gone... They wanted me to disappear. Why?!" naghihinagpis na sigaw niya. "Kung ganon, ibibigay ko ang gusto niyo! Kung dito kayo masaya, sige! Ibibigay ko sa inyo ang matagal niyo ng hiling dahil pagod na rin ako... Pagod na pagod na ako..." Sumasabay sa kanyang pagtangis ang masamang panahon. Nakaluhod siya sa putikan hinihiling na sana sa kanya tumama ang ki

