Hindi niya alam kung saan niya ibunton ang galit niya at ang frustration na naramdaman. Dahil kung iisipin wala namang masama sa ginawa ni King. Naging big deal lang sa kanya dahil hindi niya iyon magawa sa kaniyang pamilya. At nahihiya siya kay king sa sitwasyon ng pamilya niya habang siya maganda ang buhay sa piling ng mga Montefalco. Sa kabilang banda nagpapasalamat siya sa ginawa ni King ngunit hindi parin maibubura niyon ang galit niya sa lalaki. "Net, can we talk?" Maingat na pakiusap ni King. Sinadya niya si Nenita sa mansyon nang malaman na mag-isa lang ang dalaga nang sa ganoon makausap niya ito ng maayos. "Anong pag-uusapan natin?" Nenita looked at him blankly. "Ang ipamukha sa akin na kaya mong tulungan ng walang ka hirap-hirap ang pamilya ko samantalang ako hindi magawang m

