Parang tuod na nagpahila si Nenita nang dalhin siya ni King sa kanilang bahay imbes sa mansyon kahit hindi pa siya tapos sa pag iyak. Kasasabi niya lang kanina na ayaw niyang may makakita sakanya na umiiyak siya pero kusang bumagsak ang mga luha niya sa harap ni King nang magtanong ito kung sino ang may kagagawaan ng pasa niya. Pinaghila siya ng upuan ni King nang makarating sila sa kusina. Ipinagsalin rin siya ni King ng tubig sa baso at pinainom iyon sa kanya. Lahat nang iyon ay walang lakas na sinunod ni Nenita. Naiilang na pinikit niya ang mga mata nang paharap na umupo si King sa upuan na nasa tabi niya. Madilim parin ang mga mata nito at naka igting ang panga. Lihim siyang napadaing nang maramdaman ang malamig na bagay na lumapat sa gilid ng labi niya. "Ilang beses na niya itong

