A sweeties smile appears on King's lips habang marahan na pinasadahan ng daliri niya ang leeg na may tattoo. Finally, natupad na rin niya ang isang bagay na gusto niyang mangyari. Hindi dahil ang parteng iyon ng katawan niya ay gusto ni Nenita, kundi simbolo rin ito ng pagmamahal niya sa dalaga. Na sa tuwing makikita niya iyon sa salamin pinapaalala nito kung gaano niya ka mahal si Nenita. Ang hirap at sakripisyo na ginawa niya maipaglabanan lang ang pagmamahal na iyon. Nang tuluyang nahulog ang puso niya kay Nenita, wala siyang ibang iniisip kundi ang babae, ang future nilang dalawa, ng maging pamilya nila. Wala pa mang kasiguraduhan ngunit ang lahat ay pinaghandaan at pinagplanuhan ni King para sa hinaharap. Isa lang talaga ang problema niya kung bakit hindi pa matupad ang isa niya p

