"ANO?! " Hysterical na sambit ni Nenita. Ayaw niyang maniwala ngunit wala namang bakas sa mukha ng lalaki na nagbibiro lamang ito. "It's already fixed. Go, make me some food." Winagayway pa ni King ang kamay senyales na aalis na si Nenita at sundin ang utos niya. Nenita crossed her arm. "Bina-block mail mo lang ako dahil hindi ka makakain dahil hindi ka marunong magluto." King shrugged. "Tawagan mo si tito at itanong sa kanya. Kailan ba ako nagbiro?" Hindi na alam ni Nenita kung ano ang sasabihin. Gusto niyang malaman kung ano ang totoo ngunit ayaw naman niyang tawagan si Don Emmanuel para kumpirmahin ito. Kumulo ang dugo niya nang taasan siya ni King ng kilay at pinaparating dito na wala siyang pagpipilian dahil bayad na ang serbisyo niya. Napahawak siya sa kanyang tiyan nang tumun

