“Masaya akong makilala ang sponsor ng bahay-ampunan at tumulong sa amin para hindi tuluyang makuha ni Mr. Fajardo ang lupa na ‘to. Salamat sa tulong mo, Mr. Monte Carlo.” Pasasalamat ni mother superior ng maipakilala na ni Bella si Elijah dito. Nasa loob na sila ng opisina nito, tulad ni sister Carmen ay nagulat din ito ng ipaalam ni Bella na boyfriend niya si Elijah. Alam ni Bella na kaya hindi makapaniwala ang mga ito ay dahil narin sa katayuan ni Elijah sa business world na alam nila, hindi inakala ng mga madre na bilyonaryo ang magiging nobyo ni Bella. Minsan ng nabanggit ni Bella ang sitwasyon ng puso niya noon kay Elijah, at hindi inaasahan ni mother superior na makikilala niya ang binatang nagpahirap sa puso ni Bella, na ngayon nakikita niyang masaya na sa piling ng binata. “At ma

