“Elijah, kaya ko naman na maglakad eh. Hindi mo na ako kailangang buhatin, nakakahiya pinagtitinginan na tayo ng mgatao.” Ramdam ni Bella ang bawat tingin ng mga taong nadadaanan nila sa hallway ng ospital habang naglalakad sila palabas matapos payagan na ng doctor na makauwi si Bella. Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Bella na buntis siya at magkaka-anak na sila ni Elijah, wala siyang clue na tatlong linggo na pala siyang nagdadalang-tao pero ngayon lang siya nakaramdaman ng senyales. Bahagya pa siyang nag-alala dahil sa mga naging laban niya kahapon pero sinigurado ni Elijah na safe ang baby nila. Masaya si Bella sa pagbubuntis niya, at ganun din si Elijah na bagamat natulala ay hindi na nito napigilang magdiwang ng mag-sink na talaga sa isipan nito na dinadala ni Bella an

