EIDE Napangiwi ako nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Sa lakas niya, wala akong nagawa nang pinuwersa niyang tanggalin ito sa harap ng dibdib ko. Lantad na lantad na ang katawan ko sa harapan niya. Pagkatapos niya akong gamitin, pahihirapan din pala niya ako bandang huli. Napasinghap at impit akong napatili dahil sa gulat ng bigla niya akong pinahiga sa mesa. Kaagad niyang diniin ang dalawang kamay ko sa mesa nang mabilis siyang pumuwesto at dinagan ang katawan sa akin. “Hindi tayo aabot sa ganitong tagpo kung sinunod mo lang sana ako. Gusto mo talagang umiinit ang ulo ko, ano?” umiigting ang panga na sabi niya. Hindi ako natinag sa sinabi niya, sa halip, matapang kong sinalubong ang mga tingin niyang puno ng panghuhusga sa akin. “Kung ang ibang babae, madali mong mapasun

