Chapter 22 Tasted

1755 Words

EIDE Nagising ako nang kumirot ang nasa pagitan ng hita ko. Nang kumilos akong muli, napangiwi lang ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table at sinilip ang oras. Pasado alas nueve na pala ng umaga. Tumingin ako sa balkonahe. Sarado ito at nakatabing ang kurtina, ngunit maririnig ang malakas na buhos ng ulan. Nang sulyapan ko ang bintana, nakita kong umuulan nga. Mukhang hindi pa rin maganda ang panahon. Tumingin ako sa kisame at natulala ng ilang segundo. Binalikan ko ang mga nangyari. Umiinom kami sa cottage, pero una akong bumalik sa cabin dahil ramdam kong lasing na ako. “Mag-isa lang ba akong bumalik dito?” tanong ko sa sarili at muling binalikan ang nangyari. Hanggang sa namilog ang mata ko at natutop ang bibig ko nang maalala ko ang mga naganap kagabi. Sinil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD