HUMAHAMPAS ang malamig na hangin sa aking balat habang pilit kong hinahabol ang aking paghinga.
“Magsama-sama kayo! Huwag hihiwalay!” sigaw ng isa sa mga kasama ko kanina.
Pero heto ako ngayon—
Mag-isa.
Naliligaw.
Napatingin ako sa paligid. Puro matataas na puno.
Walang malinaw na daan. Walang kahit anong pamilyar na palatandaan.
“Calm down, Celeste… kaya mo ‘to…” bulong ko sa sarili ko.
Hindi ito ang unang beses na napunta ako sa ganitong sitwasyon. Sa dami ng outreach na pinuntahan ko, natutunan ko na kung paano mag-survive—paano maghanap ng tubig, paano magbasa ng direksyon, paano hindi mataranta.
Pero iba pa rin kapag ikaw na mismo ang nawawala.
Isang maling hakbang—at maaaring hindi ka na makabalik.
Habang naglalakad ako, pilit na hinahanap ang pamilyar na trail, may narinig akong isang mahinang kaluskos.
Napahinto ako.
“Hello?” tawag ko.
Walang sumagot.
Ngunit nang muli akong humakbang —natigilan ako!
Isang lalaki!
Nakahandusay sa lupa.
“Oh my God…” Mabilis akong lumapit at napaluhod sa tabi niya.
May sugat ang kanyang tagiliran. Basa ng dugo ang kanyang damit. Maputla ang kanyang balat—at nang ilapat ko ang kamay ko sa kanyang noo—
“ —Inaapoy ka ng lagnat!”
“Hey… hey…” Marahan ko siyang tinapik. “Can you hear me?”
Walang sagot.
Tanging mahinang paghinga.
Napalunok ako.
Wala akong choice.
Hindi ko siya puwedeng iwan para iligtas ang aking sarili.
Nakahanap ako ng pansamantalang masisilungan—isang maliit na kuweba sa gilid ng burol.
Doon ko siya dinala, kahit hirap na hirap akong buhatin siya.
“Konti na lang… konti na lang…”
Hingal na hingal ako habang buhat-buhat ang malaking bulto ng lalaki.
Pagkapasok namin, agad akong kumilos.
Tinanggal ko ang jacket ko at pinunit ang isang bahagi nito para gawing pansamantalang benda.
“Stay with me… okay?” bulong ko habang nililinis ang sugat niya gamit ang tubig na nakuha ko mula sa malapit na sapa. Pagkatapos lapatan ng unang lunas, ibinalot ko siya sa sleeping bag na dala ko.
Malaking tulong ang kasanayan ko sa mga ganitong pagkakataon.
Pero hindi ko inaasahan na magagamit ko ito hindi sa sarili, kundi sa isang estranghero na natagpuan ko sa gitna ng gubat—sugatan.
At mas lalong hindi ko inaasahan na… sa unang paglapat pa lang ng aking mata, parang may kakaibang nagising sa loob ko.
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya.
Matangos ang ilong. Mahahabang pilikmata. Kahit pawisan at sugatan, hindi maitatanggi—gwapo siya.
Napailing ako sa sarili ko.
Celeste, focus…
Pero kahit pilit kong ibalik sa tama ang isip ko—
Parang may kung anong humila sa akin.
UNANG GABI.
Hindi siya nagising at mataas pa rin ang lagnat.
Paminsan-minsan, pinupunasan ko ang kanyang noo gamit ang basang tela.
“Just keep fighting….” inilapit ko ang aking labi sa tenga niya, “I’m not going to let you die here… not on my watch.”
Hindi ko alam kung bakit ganoon kalakas ang determination ko.
Pero sigurado ako sa isang bagay—kailangan niyang mabuhay.
IKALAWANG ARAW.
Mahina siyang gumalaw.
Agad akong napalapit.
“Hey…can you hear me?”
Nakaramdam ako ng pag-asa.
Isang mahinang ungol ang naging tugon niya.
“Good… …”
Napangiti ako.
“It’s okay, I will make sure you survive.”
Bahagya niyang iginalaw ang ulo, tila nahihirapan.
Pinunasan ko ang pawis sa kanyang noo.
“Anong pangalan mo?”
Saglit na katahimikan.
Akala ko hindi na siya sasagot.
Pero maya-maya—
“...Liam…”
Bahaw.
Mahinang sambit niya habang nakapikit.
Ngunit malinaw pa ring nakarating sa akin.
“Liam…”
Ulit ko sa pangalan niya.
At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan—
Napangiti ako.
“Okay, Liam…” bulong ko. “Ako si Celeste.”
Alam kong maaaring hindi niya ako naririnig.
O baka naririnig niya—pero walang lakas para tumugon.
Pero hindi na iyon mahalaga.
“Hindi kita iiwan…”
Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
At sa sandaling iyon—Sa gitna ng gubat, sa gitna ng panganib, sa gitna ng hindi tiyak na bukas—
May kung anong nagsimulang mabuhay sa aking loob.
Isang pakiramdam na hindi ko pa kailanman naramdaman.
Hindi ko alam kung sino siya.
Pero habang pinagmamasdan ko ang kanyang payapang mukha sa kabila ng sakit—
Nahanap ko ang sarili kong nangangarap na kasama siya…
Oh my God, am I in love??
Napahawak ako sa aking dibdib.
IKA-APAT NA ARAW.
Hindi na kasing-init ang kanyang noo.
Dahan-dahan kong idinikit ang likod ng aking kamay sa kanyang balat, saka ako napabuntong-hininga.
“Mababa na ang lagnat mo”
Kausap ko siya kahit alam kong hindi niya ako maririnig; tulog pa rin eto, siguro dahil sa panghihina dulot ng tinamong malalim na sugat.
Ganun pa man, hindi pa rin ako mapalagay.
Kailangang malapatan ng gamot ang mga sugat niya dahil baka maimpeksyon.
Nag-aalala na rin ako sa sarili kong kalagayan.
Hinahanap kaya nila ako?
Bigla akong nalungkot sa naisip na posibilidad na baka hindi man lang nag-alala ang aking mga magulang… Kasalukuyang wala sa bansa si Ate Rocky. Nasa Singapore ito para sa dinaluhang conference.
Napatingin ako sa labas ng kuweba.
Kailangan naming makaalis dito…
Kung gusto naming mabuhay—kailangan may makakita sa amin.
Mabilis akong kumilos.
Sa dami ng outreach na napuntahan ko, may iilang bagay na tumatak talaga sa isip ko.
Isa na doon—kung paano gumawa ng signal.
Naghanap ako ng tuyong kahoy, dahon, at kung anu-ano pang maaaring magliyab.
Pinili ko ang isang medyo mataas na lugar malapit sa kuweba—yung kayang abutin ng usok ang itaas ng puno.
“Please… gumana ka…”
Kinikiskis ang bato at bakal na dala ko.
Ilang beses akong nabigo.
Ilang beses ding muntik mawalan ng pag-asa.
Pero hindi ako tumigil.
Hanggang sa—Isang maliit na apoy ang sumiklab.
Unti-unti ko itong pinalaki, dinagdagan ng basang dahon para makagawa ng makapal na usok.
At maya-maya pa, umakyat ang kulay abong usok sa himpapawid.
Come on… come on!!
Paulit-ulit kong usal.
Hanggang sa sumakit ang lalamunan ko.
Lumipas ang oras.
Walang dumating.
Walang kahit anong senyales.
Napaupo ako habang nakatingin sa unti-unting humihinang apoy.
Napapikit ako sandali.
Hanggang sa bigla akong napadilat nang makarinig ng pamilyar na tunog.
They see us!!
Mas lumakas ang tunog.
Hanggang sa—Isang helicopter ang lumitaw sa himpapawid.
“HEY!! HERE!!” sigaw ko habang kumakaway, halos maubos ang boses ko.
Dinagdagan ko pa ang apoy. Mas maraming dahon. Mas makapal na usok.
“PLEASE!! NANDITO KAMI!!”
Umikot ang helicopter.
Parang sinusuri ang lugar.
At ilang sandali pa, tumigil ito sa ere, eksakto sa ibabaw namin.
Napahawak ako sa dibdib ko.
“Thank God…”
Halos maiyak ako.
Hindi nagtagal—may lubid na bumaba mula sa helicopter.
Kasunod noon—
Mga lalaking naka-itim.
Mabilis ang galaw.
“Where is he?!” sigaw ng isa sa kanila pagkababa.
Saglit akong natigilan.
Itutuloy…