TWO YEARS LATER…
“Congratulations, Attorney Santos!” masayang bati ng isa sa mga bisita habang inaabot ang baso ng champagne.
Maliwanag ang buong mansyon, punong-puno ng ilaw, mamahaling dekorasyon, at mga taong nakasuot ng elegante at mamahaling damit.
Isang engrandeng selebrasyon para kay Raquel “Rocky” Santos.
“Thank you,” magalang niyang sagot.
Sa kabilang banda—
Tahimik akong nakatayo, hawak ang isang baso ng juice.
Pinagmamasdan ang lahat.
“Rocky is truly exceptional,” rinig kong sabi ng isang matandang lalaki. “Just like her parents.”
“Of course,” sagot ni Papa, halatang proud. “She’s everything we hoped for.”
“Hindi katulad ng isa…” pahabol pa niya, bahagyang pabulong—pero sapat para marinig ko.
Hindi na bago sa akin ‘yon.
Kaya ngumiti na lang ako nang pilit.
“Nasaan ba si Celeste ngayon?” tanong ng isa pang bisita.
Saglit na natahimik ang paligid.
“Ah,” mahinang tawa ni Mama. “You know… she’s still trying to find her path.”
Trying to find my path.
Kung alam lang nila na sa araw ding iyong lihim kong pinagdiriwang ang aking munting tagumpay bilang isang ganap na guro, Top Natcher din ako sa nakaraang board exam.
Ngunit kahit sino sa kanila ay hindi nais na makita ang importansya ko.
Napayuko ako nang bahagya at umatras para sana umalis sa lugar.
Pero bago pa ako makalayo—
“Excuse me!”
Narinig ko ang malakas na boses ni Ate Rocky.
Lahat ay napalingon sa kanya.
“Actually,” panimula niya, habang nakatingin kina Mama at Papa, “Celeste pass—”
“ —Rocky,” singit ni Mama, pilit na ngumiti sa mga bisita, “this is your night. Let’s not—”
“ —But it matters,” putol ni Rocky. Mas seryoso na ang tono ng boses niya.
Tahimik ang paligid.
“Celeste worked hard for that,” dagdag niya.
Napatingin ako sa kanya.
Ramdam kong gusto niyang makita ng iba ang halaga ko.
Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagmamalaki sa aking nakamit.
“ —Kahit ano pa ‘yan,” malamig na singit ni Papa, “alam naming hindi ’yan kasing halaga ng narating mo ngayon. Don’t waste your time, anak.”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin.
Don’t waste your time, anak.
‘Yon lang pala ang tingin nila sa akin: ‘waste of time!’
Hindi na ako nagulat, pero masakit pa rin.
“Papa—” muling pagsingit ni Rocky.
Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang siko niya.
“Ate…”
Napalingon siya sa akin.
Ngumiti ako, yung tipong okay lang kahit hindi naman talaga.
“Hayaan mo na,” bulong ko. “Okay na ‘ko.”
“Pero—”
Umiling ako.
“Huwag mo nang ipilit.”
Sandaling katahimikan.
Tumingin siya sa akin—parang gusto pa niyang lumaban.
Pero kilala niya ako.
Alam niya kung kailan ako dapat sumuko– at alam din niyang matagal ko nang sinukuan ang bagay na yon, siya na lang ang lumalaban para sa akin.
Dahan-dahan siyang napabuntong-hininga.
“Sorry…” mahina niyang sabi.
Ngumiti ako.
“It’s fine,” sagot ko. “This is your night.”
Hinawakan ko ang kamay niya.
“And I’m proud of you,” dagdag ko.
Bahagyang nangilid ang luha sa mga mata niya.
“And I’m proud of you too,” sagot niya.
“Rocky, hinahanap ka ng mga bisita mo…” singit ni Mama at inaya na nito si Ate. Bahagya na akong tinapunan ng pansin. Kasunod si Papa na hindi man lang tumingin sa akin.
Muli akong umatras.
Bumalik sa sulok kung saan ako kanina.
Pinagmamasdan siya habang kinakausap ang mga bisita.
Habang pinupuri.
Habang ipinagmamalaki.
Napangiti ako.
Dahil kahit hindi nila nakikita ang halaga ko—
May isang taong nakakakita na nag-e-exist ako, at sapat na iyon.
…Sa ngayon.
MONTHS LATER…
“Little Angel Learning Center”
Pinili ko ang sarili kong landas!
“Teacher Celeste!”
Napangiti ako nang marinig ang sabay-sabay na tawag ng mga bata habang tumatakbo papunta sa akin.
“Dahan-dahan!” natatawa kong sabi. “Baka madapa kayo!”
“Teacher, teacher! Tingnan mo po ‘yung drawing ko!” sabay abot ng isang batang babae ng papel.
“Wow… ang galing naman nito!” papuri ko, sabay luhod para mapantayan siya. “Ikaw gumawa nito?”
“Opo!” proud nitong sagot.
“Very good,” sabi ko, sabay haplos sa ulo niya.
Ito ang mundo ko!
Ang mundong kung saan nakakakuha ako ng tunay na pagmamahal mula sa mga inosenteng bata.
“Ma’am Celeste,” tawag ng isa sa mga guro habang papalapit sa akin.
Tumayo ako at humarap sa kanila.
Apat sa mga teachers ang nandoon, kasama ang isa sa mga staff ng school.
“Do we have a meeting today?” tanong ko.
“Yes, Ma’am,” sagot ni Teacher Ana.
Pumasok kami sa maliit na faculty room.
Simple lang—may mesa, ilang upuan, at whiteboard.
Pero para sa akin— ito ang aking safe haven.
“Ma’am, we would like to provide you with an update,” panimula ni Teacher Marco. “Our enrollment has increased again.”
Napangiti ako, pero hindi na ako nagulat… sa loob ng miksing panahon, unti-unting nakikilala ang tinayo kong maliit na school, Masasabi kong masuwerte pa rin ako, kahit na hindi ko nakukuha ang atensyon at pagmamahal ng mga magulang ko hindi naman nagkulang ang mga ito sa financial, lalo na si mama… ang perang napagsama-sama ko mula noon at noong ikalabing walong kaaarawan ko ay naging sapat para umpisahan buuin ang aking pangarap.
Ang pagtatayo ng sarili kong school para sa mga paslit.
“Good to hear that!”
“From last month, almost 20% increase po.” dagdag ni Teacher Liza.
Napatango ako.
“Dahil po ‘yan sa inyo, Ma’am,” dagdag ni Ana. “Ang dami pong parents na nagre-recommend dito.”
Umiling ako.
“Not just because of me—this is because of you too.”
Nagkatinginan sila, saka napangiti.
“Team effort,” sabi ni Teacher Marco.
“Exactly,” sagot ko.
“Ma’am,” muling tawag ni Liza, medyo nag-aalangan. “May suggestion po sana kami…”
“Go ahead,” sabi ko.
“Since dumadami na po ang students… baka po kailangan na nating magdagdag ng classroom?”
Saglit akong natahimik.
Napatingin ako sa labas—sa mga batang masayang naglalaro.
“Matagal ko na rin ‘yang iniisip…” sabi ko.
“Talaga po?” sabay-sabay nilang tanong.
Tumango ako.
“Actually… may naipon pa tayong budget,” dagdag ko. “Gusto kong gamitin ‘yon para palawakin pa ang center.”
Napanganga si Ana.
“Ma’am… sure po ba kayo?”
Ngumiti ako.
“Para sa mga bata? Always.”
Sandaling katahimikan.
“Ang swerte po namin sa inyo,” mahina ngunit taos-pusong sabi ni Marco.
Napailing ako, bahagyang natawa.
“Ako ang swerte sa inyo,” sagot ko. “Hindi ko ‘to magagawa kung wala kayo.”
HABANG pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro—hindi ko maiwasang mapaisip.
Ito ang landas na pinili ko, landas na hindi kinikilala ng pamilya ko.
At sa unang pagkakataon sa buhay ko—
Pakiramdam ko…
Nasa tamang lugar ako.
Sa mundong ako ang bida, hindi ako isang option lang…
Ako si Celeste— isang guro….
Itutuloy…