Tahimik kami pareho sa sasakyan hanggang sa makarating kami sa bahay. Pinatay niya ang makina at saglit kaming nagtantyahan kung sino ang unang magsasalita o gagalaw. Ayoko nang magsalita. Ayokong lumabas sa bibig ko ang lahat ng katoxican na iniisip ko. Kaya siya ang nagsalita. "You haven't said anything during our entire drive. Kaya, pakiramdam ko… may nasabi akong mali, and kung meron man. I'm sorry, Odele." Tumingin ako sa labas ng bintana, inis na inis sa sarili ko. Hindi ko dapat pinagdududahan si Alas. "Could you please… say something?" tanong niya. Mahina ang boses niya, malungkot at pakiramdam ko ay frustrated siya sa sarili niya sa hindi niya alam na dahilan. Tumungo ako sa mga kamay kong nasa lap ko ngayon, "Wala ka naman nasabing mali... siguro pagod lang talaga ako, kaya

