XXIX. "Eh? Bagsakan ka ba naman ng pintuan...." Gigil na sabi ni Aryana. Mabuti na lamang at walang tao malapit sa kanila. Nasa pataniman na kasi sina Marcus at Sam habang ang ibang naninirahan sa villa ay nasa kanya-kanyang gawain. Paalis na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at muling iniluwa ang mala-adonis na binata. "Sorry, Miss Aryana. Pasok ka muna, maliligo lang ako saglit bago tayo lumakad," walang kangiti-ngiting anyaya ni Jefferson. "Sa ibaba na lamang ako maghihintay, ginoo." Ngunit hinatak na siya ng lalaki papasok sa kwarto nito bago muling isinara ang pinto. Napasandal siya sa malapad na dibdib ng binata dahilan upang muling masamyo niya ang amoy nito na nakapagpawindang sa kanyang isipan. "The next time you wake me up, make sure you are in my bed." Nahihirapang

