Malalim na ang gabi ngunit nakadungaw pa rin sa bintana ng kanyang silid si Aryana. Nagtatampo sya sa namayapang ama dahil kahit sa kahulihulihang sandal nito sa mundo ay siya pa rin ang nagpasya kung sino ang magiging katuwang nya sa buhay. Hindi man lang sya nito binigyan ng pagkakataong mamili kung kanino nya ibig.
Animo batingaw na umaalingawngaw sa kanyang balintataw ang boses ng abogado ng ama noong basahin nito ang last will and testament.
“To my daughter Aryana, all my properties and assets will be given to her, in one condition, she needs to get married within a year to Jeffri Trisnu. If she refuses the marriage arrangement, Aryana Fuentes will never get even a penny. Half of the properties and assets will be donated to charities and the other half will be given to Jeffri Trisnu as payment for “daños”. As for the CEO position for the company, Jeffri will be acting on my behalf until Aryana learns how to manage the whole company. “
Marami pang binanggit ang abogado ngunit iyon at iyon na lamang ang nagtutumining sa kanyang isipan. Wala na syang naunawaan pa dahil tanging nagsusumiksik sa kanyang isipan ay ang kaalamang napagdesisyunan na ng ama ang kanyang buhay. Gustuhin man nyang baguhin ang last will at testament ng ama ay hindi maaari. Wala na sana syang pakialam kahit wala syang mamanahin ngunit hindi sya makakapayag na mapunta sa lalaking kinamumuhian ang kalahati ng kanyang mamanahin.
Hindi rin nakaligtas sa kanyang mapanuring mata ang reaksyon ng binata, ang saglit na ngisi nito na animo nagdiriwang sa narinig, habang sya na tunay na anak ay walang matitira kung hindi sya susunod sa kabaliwang naisip ng ama.
And she needs to start from the bottom position in her father’s company to gain ‘experience’ needed to manage the company, and her nemesis will decide how and when to start. Mabaliw-baliw na sya sa kakaisip ng paraan upang makawala sa kasunduan ngunit kahit anong piga nya sa kanyang utak ay wala syang maisip na magandang paraan.
Hindi rin nya masisisi ang ama sa desisyon nito dahil mula noong mamatay ang kanyang ina noong nasa pangalawang taon sya ng sekondarya ay naging basagulera na sya at nagpabaya sa pag-aaral. Kung hindi nga lang sya binigyan ng ultimatum ng ama ay wala syang balak makatapos ng high school. At para masiguro na papasok sya sa kanyang klase ay kinuhanan sya ng bodyguard.
Ang masaklap sa lahat ay dahil sa katotohanan na ang dating bodyguard, ang bagong acting-CEO ng kumpanya at ang lalaking nakatakdang maging kanyang kabiyak ay iisa. “Arrrgghhh!” nagpupuyos sag alit ang dalaga. Gusto nyang sampalin ang lalaki kanina. Isang nakakalokong ngisi ang tanging ibinigay sa kanya ng binata bago umalis pagkatapos basahin ang last will and testament.
Hindi sya mapakali hangga’t hindi nya nailalabas ang lahat ng galit na nararamdaman kaya naman bumangon na sya ng tuluyan at nagbihis. Nagngangalit na ang kanyang mga kamao sa sobrang sikip ng dibdib sa nararamdamang sakit. “Kailangan ko ng lumabas”, bulong nya sa hangin, “kung hindi ay tuluyan na akong mabaliw sa kakaisip.”
Maingat syang lumabas ng bahay upang hindi magising ang kanilang mga kasambahay. Nasa masyon sya ng mga Fuentes ngayon dahil isa rin ito sa kondisyon ng ama sa huling habilin nito. Kung tutuusin ay mas nanaisin nyang manirahan sa kanyang munting condo sa Laguna. Doon ay wala syang bantay at mas makakapag-isip sya ng maayos.
Pagkalabas nya ng pintuan ay patakbo syang pumunta sa gazebo na nasa gitna ng hardin ng yumaong ina. Kahit papaano ay nabawasan ang hinanakit nya sa ama ngunit patuloy na namamalisbis ang kanyang mga luha.
“I miss you so much, mama. If only you’re here, maybe, just maybe, papa won’t force me to marry someone I don’t love.” Napaluhod sya sa harap ng mga puno ng kulay puting rosas na syang paborito ng kanyang ina. “Why, papa, why? Napaka-unfair mo naman. Iniwan mo na nga ako, pero hindi mo pa rin ako binigyan ng pagkakataon para patunayan na nagbago na ako.” Patuloy nyang paghikbi. Ilang sandali sya sa ganoong posisyon ng may maulinigan syang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran.
“Hindi makakatulong iyang pagluha mo sa pagresolba ng iyong mga problema, Yana.”
Paglingon nya ay ang kababata ang nabungaran. “Brylle!” Agad syang yumakap dito at muling napahikbi. “Iniwan na rin ako ni papa, Brylle.”
“Shhh, I know, kaya nga andito na ako. At wala na rin tayong magagawa sa huling habilin ni Tito, para na rin sa ikakatahimik ng kanyang kaluluwa,” pag-alo nito sa kanya. “Sadyang hanggang doon na lang ang buhay nya. Mahal na mahal ka ni Don Crisanto at wala syang hangad kundi ang ikabubuti mo.” Dagdag pa nito habang yakap pa rin ang dalaga.
Galit na lumayo si Aryana mula sa pagkakayakap ng kababata.
“Mahal? Hindi naman na nya kailangan pang ipagkasundo ako sa lalaking iyon na wala nan gang modo, ubod pa ng yabang.” Bulyaw ng dalaga.
“Huminahon ka muna. Wala kang mapapala kung idadaan mo sag alit ang lahat. Kalma lang muna, ok?” pagpapakalma ni Brylle. “And besides, ayaw mong magising ang buong sambahayan para lang masaksihan ang iyong tantrums, love.” Biro pa nito.
Napatiim-bagang na lamang ang dalaga. Tama naman kasi ang kababata. Kailangan nyang kumalma upang makapag-isip ng maayos.
“Pag galit ka, lumalabas iyang pagiging childish at brattiness mo kaya hindi ko rin masisisi si Tito.” Napailing na sabi ni Brylle. “You need to fully grow up and show the world that you are capable to handle all the responsibilities of the company. Alalahanin mo,ilang libong tao ang nakasalalay sa tagumpay ng kumpanya. Maraming pamilya ang umaasa dito. Lalo na ngayon at wala na ang iyong ama, the competition is tight.”
Natahimik ang dalaga. “At sabi mo ay ayaw mong makasal kay Jeff, bakit nga ba?”
Walang maapuhap na sagot ang dalaga sa tanong ng kababata. Magkasanggang-dikit na sila mula pa noong mga bata sila dahil mag-bestfriend ang kanilang mga magulang. Alam din nito bawat kalokohang pinaggagawa nya noon lalo na nung maulila sya sa ina. Bakit nga ba against sya sa kasunduan?