XLV. Malayo pa lamang ay umibis na si Aryana mula sa motorsiklo. Iginala niya ang mga mata sa kinaroroonan. Matataas ang mga puno at malalago ang mga talahib na nagtataasan. Marahil ay isa lamang ito sa parte ng bundok na hindi pa nagagalaw ng mga illegal loggers. Inilagay na niya sa invisible mode ang motorsiklo, and thanks to his son na siyang nakadiskubre ng gadget para sa invisible mode ng sasakyan. Binuksan niya ang backpack na dala at inilabas niya ang mga damit na gagamitin. She puts on a loose shirt on top of her customized leather bullet-proof, body-hugging black tank top. Pinatungan niya rin ng punit-punit na pantalon ang skin-toned leggings niya, which is also a bullet-proof. Isinuot niya rin ang baseball cap upang hindi siya gaanong makilala kung sakali at may makasalubong s

