XLVII. Mariing nakapikit si Aryana malapit sa may hagdanan nang maramdaman ang malamig na bakal na nakatutok sa kanyang likod. "Lakad! Kung ayaw mong ngayon pa lang ay pasabugIn ko na ang ulo mo." Anang tinig ng isang lalaki, marahil ay ang kanang kamay ng mag-asawang Montalban. Hindi man lingunin ng dalaga ang lalaki ay natantiya niyang matipuno ito, at may hitsura ayon sa boses at sa tindig nito. Habang naglalakad ay nsaulyapan niya ang hitsura ng lalaki nang mapadaan sila sa isang salamin. Tama ang kutob niya, hindi pangakaraniwang tauhan lamang ang lalaki. At hindi rin niya maikakailang dumaan sa kanyang isipan ang takot. Takot para sa kayang gawin nito at ng mga kasama nito, hindi sa kanya kundi sa mga mahal niya sa buhay kung wala siyang gagawin ngayon. She sticks with her plan

