XIII. "ANONG KAILANGAN nyo sa amin?" tanong ni Aryana nang may mga armadong kalalakihan ang sumalubong sa kanila sa paliparan. Hindi sya makasigaw para humingi ng tulong dahil may nakatutok na baril sa kanyang tagiliran habang patuloy sila sa paglalakad. Planado ang lahat dahil ni isa ay walang nakapansin sa kanila o wala lang talagang pumapansin sa kanila. Hindi takot si Aryana para sa sarili nya, manapa'y ang mga kasama nya ang nasa isip nya kung kaya't hindi sya makagawa ng aksyon na hindi mapapahamak ang mga kaibigan. "Miss, lumakad ka lang ng maayos at wag kang magpapahalata kung ayaw mong may mangyaring hindi kaaya-aya sa mga kasama mo. Dahil hindi ako mangingiming tumbahin sila kahit sa maraming tao." Pabulong na anas ng lalaki na may hawak sa kanya. Hindi sila mapagkakamalang ma

