XXI. "MANG DANNY," tawag ni Brylle sa matandang lalaki na siyang tumulong sa kaibigan upang makatakas sa kamay ng mga kumidnap sa kanya. "Ano iyon hijo?" tanong ng matanda habang papalapit sa kinaroroonan ng binata. "Pinapatawag po kayo ni lolo." tukoy niya sa abuelo ni Jeffri. "May mga itatanong lang daw sa inyo." "Nasaan siya?" muling tanong ni Mang Danny habang hindi makapaniwala sa rangya ng nasasakupan ng babaeng tinulungan. Bago siya pumasok sa lugar na kung saan niya nakita si Aryana kalong ang isang bata ay may natanggap siyang tatlong sunod na text messages. Galing ito sa kanyang kaisa-isang anak na si Artemio alyas Temyong. Tandang-tanda pa niya, kahit na wala na sa kanya ang cellphone. -"Tay patawad po. ginawa ko lang ang dapat upang mabigyan ko kayo ni inay ng masaganang

