III: ANG PANAGINIP

1175 Words
III. PAKIRAMDAM NI ARYANA ay umaangat ang katawan mula sa hinihigaan. Napangiti sya. Isang magandang panaginip….. Binuhat ni Jeffri ang dalaga mula sa pagkakahiga sa damuhan at ipinasok nya ito sa silid. Marahan nya itong ibinaba sa kama ngunit mas nangunyapit naman ito sa kanya na animo ayaw ng humiwalay pa sa mga bisig ng kanyang Prince Charming. Maingat nyang kinalas ang mga kamay nitong ayaw bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya. Bago siya lumabas ay pinagsawa na muna nya ang sarili sa pagtitig sa nakangiting mukha ng dalaga. Alam niyang paggising nito bukas ay gagawin nito lahat upang gawing miserable ang kanyang buhay. Ngunit wala itong kaalam-alam na matagal ng miserable ang kanyang mundo mula pa noong una niya itong nakita. Pinipigilan niya ang sarili na ikulong ito sa kanyang mga bisig at hindi na muli pang pakakawalan. He wants her so badly, and looking at her right now made him sweat. Kaya bago pa siya makagawa ng bagay na pagsisihan nya after ay lumayo na siya dito. Dahan-dahan syang naglalakad papunta sa pinto ngunit hindi nya napigilan ang sarili na mabilis itong bigyan ng halik sa noo. “Sleep well, princess!” ******** “Aheermmm!” Naalimpungatan si Aryana nang makarinig ng baritonong boses na nagpalukso sa kanyang baliw na puso. Ang lalaking laman ng kanyang panaginip ay narito sa kanyang silid. “Silid? Narito ako sa sarili kong silid?” wala sa sariling nasambit ng dalaga. Pagkakita sa binata ay napasigaw sya. “AAAHHHHH! Anong ginagawa mo dito sa silid ko?” sa pagbalikwas nya ay nahulog sya sa kama. “Aray!” Napahagalpak ang binata. “Anong tinatawa-tawa mo dyan, ungas? At bakit narito ka sa silid ko? Hindi ka ba marunong kumatok? At bakit mo binubuksan ang bintana?” sunod-sunod na tanong nya. Napailing na lamang ang binata sa inaasal ng dalaga. Wala pa rin itong ipinagbago kahit sabihing dun na sa Amerika ito nagdalaga. Matalas pa rin ang dila nito at maraming tanong ng sunod-sunod kapag galit ito o kaya ay nagulat. Bago pa muling maibuka ni Aryana ang bibig ay inunahan na nya ito. “Nakalimutan mo yatang ito ang unang araw mo sa trabaho, and for your information, ma’m, “ diniinan pa nya ang pagkakabigkas sa salitang ‘mam’, “kanina pa po ako kumakatok pero walang sumasagot kaya pumasok na po ako.” Napanganga ang dalaga. Ngayon nya lang ito narinig na nagsalita ng mahaba. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “And it’s 10 am already, you had a meeting with the board at 8 this morning ngunit nabutas lang ang upuan naming sa kakahintay saw ala. Iyon pala, naghihilik pa rin ang mahal na prinsesa.” Sasagot na sana sya ngunit inunahan na naman sya nito. “Is this the kind of attitude na gusto mong…” hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil siniil na nya ito ng halik. Heaven ang pakiramdam ni Aryana nang gumanti ng mapangahas na haliksa kanya si Jeffri. At muling nagging eratiko ang t***k ng kanyang baliw na puso. Nang maalimpungatan ay marahas nya itong itinulak bago pa magiba ang invisible wall na nilikha nya para dito. Hindi makapaniwalang nakatitig lamang sa kanya ang binata habang awang pa rin ang mga labi. Bago pa makagawa ng kahit anong reaksyon ang binata ay mabilis siyang tumakbo papasok sa pinto at pabagsak na isinara ito. Dahan-dahan siyang napasalampak sa tiled floor ng banyo habang malakas pa rin ang t***k ng kanyang puso. Hinayaan nyang muling namnamin ng kanyang inaagiw na isipan ang kapangahasang ginawa kani-kanina lamang. Marahang katok ang gumimbala sa kanya. Alam nyang si Jeffri ito kaya di nya ito pinagbuksan, hinayaan nya lamang itong kumatok. “Aryana, buksan mo ang pinto at mag-usap tayo.” Madiing sabi nito. Ramdam ni Aryana ang panganib sa boses nito. “Get out of my room now!” sigaw nya dito upang pagtakpan ang unti-unting pagkagiba ng harang sa kanyang puso. Pangalawang engkuwentro pa lamang nila ay bumigay na sya. Humuoit siya ng isang malalim na buntong-hininga upang itaboy ang luhang nais kumawala. “After what happened, you want me out of your room?” may pagbabanta na sa tinig nito. “We need to talk.” “Go to hell!” “Pagbibigyan kita ngayon but you’ll pay big time later. I’ll make you fall for me.” Mahina ngunit malinaw ang huling tinuran nito. Saka ito nagmartsa palabas ng kanyang silid. Tuluyan nang napaiyak si Aryana. “If only you knew, I had fallen in love with you for so long I thought the distance can help me forget you, but the moment I hear your voice, my knees slowly trembles and my heart goes incredibly out of control each time I set my eyes on you.” Bulong na lamang ng dalaga. The feeling of helplessness consumes her. She picked up the controller of her room and had it filled with music as loud as her poor ears can take. ******** “This is my plans to save the Malate branch,” sabi ni Aryana pagkatapos maipaliwanag sa lahat ng board members ang kanyang unang project. Napatulala ang lahat dahil hindi nila inaasahan na mabilis niyang napag-aralan ang pasikot-sikot ng kumpanya. Ang alam ng lahat ay isa siyang dakilang pasaway at walang alam sa negosyo kaya naman hindi nila inaasahan na ang Aryana Fuentes na nasa harap nila ay taliwas sa kanilang nababalitaan. Isa-isang tiningnan ng dalaga ang bawat myembro habang inaantay ang reaksyon ng mga ito sa kanyang explanasyon hinggil sa kanyang proyekto. “Any other suggestions for the project?” anya sa maawtoridad na tono. Walang sumagot. “Anyone who opposes it, then?” “How sure are you that your plan will succeed?” si Jeffri na walang kangiti-ngiti. Nakatitig ito ng matiim sa dalaga. He planned to intimidate her but as he can see, the once spoiled brat has grown into a mature woman who knows what she wants, his woman. Sa isiping iyon ay di nya napigilang mapangisi. “Why don’t you give me a chance to prove that it will succeed, Mr. Trisnu?” hamon ng dalaga. “Or did you even listen to all my explanations?” Nasaktan sya sa kawalang-tiwala nito sa kanya. Ngunit hindi nya ito ipinahalata. She smiles at him sweetly and made sure that he get the message that she’ll never back down nor get intimidated. “I think, it’s a good plan, hija.” Ani Mr. Mendi, isa sa mga senior board of directors. He owns 14% of the stocks of the company. “Thank you, sir.” Nginitian nya ito. Nagsitanguan naman na ang iba pang board members. “Thank you so much for the trust.” Isa-isa nyang kinamayan ang lahat bukod tangi kay Jeffri na tumalikod bago pa sya makalapit dito. Sumilay ang isang mapait na ngiti mula sa mga labi ng dalaga. Muling bumangon ang galit sa kanyang puso. Ipinangako nyang hindi nya aatrasan ang laban na inumpisahan ni Jeffri at sisiguraduhin nyang makukuha nya ang lahat ng para sa kanya. The battle is on.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD