Sa loob ng kweba ay tinupad ng aninong may hawak ng karet ang kahilingan ng binata. Nilagyan niya ng asin ang walong puso. Sinilaban niya isa-isa ang bawat puso hanggang sa masunog ang mga iyon at naging abo.
Ang buong akala ng ama ni JR ay matutupad ang kahilingan nito na buhayin ang asawa niyang matagal na panahon na niyang hindi nakakasama. Ang babaeng pinatay niya rin at kinuha ang puso nito 20 years. Kaya laman ay mas matutupad ang kahilingan ni JR dahil kasama sa mga puso ay ang puso ng kanyang ama.
"Magkikita na rin naman kayo ng babaeng iniirog mo sa mundo ng mga patay, pero higit kailanman ay hindi ka niya kayang mahalin. Hindi na kasi mahuhukay pa mula sa lupa ang patay mong asawa. Tutuparin ko na lamang ang kahilingan ng iyong nag-iisang anak dahil nasa akin pa ang puso ng babaeng nais na paibigin niya."
Naibulalas na lamang ng diyablo sa isipan ang nais niyang sabihin sa ama ni JR. Pinaasa niya ang ama nito na matutupad ang kanyang hiling. Subalit, hindi iyon maaari. Gawa-gawa lamang niya ito. Kung nakuha sana noon ang puso ng lalaking iniibig ng babaeng mahal niya, marahil natupad ang kanyang hiling. Ang sumpa ng lalaking nahulog sa bangin ang naging dahilan, kaya hindi natupad ang nais ng ama ni JR.
Pinagsama-sama niya ang mga abo na galing sa walong puso. Umusal ng hindi maintindihang mga salita. Tatlo hanggang limang beses niya iyon paulit-ulit na sinabi hanggang sa namatay ang mga ilaw sa loob ng kweba. Ilang minuto ang nakalipas, muling nagliwanag ang kweba.
Dalawang katawan ang makikita sa harapan. Ang katawan ni KZ at ang katawan ni JR. Una niyang nilapitan ang katawan ng dalaga at nilagyan ng abo ang bunganga nito. Kasunod naman ay ang katawan ng binata at nilagyan din niya ng abo ang bunganga niya.
Muli ay nag-usal siya ng isang orasyon:
Isang puso ang nagmamahal,
Isang puso ang hindi minahal,
Dalawang katawan ang magtatagal,
At habang buhay ay walang makakasagabal.
Mula sa kampon ng kadiliman,
Buhayin ang dalawang katawan.
Mula sa kampon ng kasamaan,
Bigyang buhay ang pusong nasaktan.
Mula sa kailaliman ng kalupaan,
Buhayin ang dalawang katawan,
Upang pag-ibig ay maisakatuparan,
At matupad ang kanilang kahilingan.
Kumulog at kumidlat. Namatay muli ang liwanag sa kweba. Mula sa labas ng kweba, tumama ang kidlat patungo sa dalawang katawan. Nang tumahimik ang kalangitan, magkasabay na dumilat ang mga mata ni KZ at JR.
***************WAKAS*****************
MARAMING, MARAMING SALAMAT PO...