CARY'S POV
HUMINTO 'yong paligid ko nang isang segundo, and f*ck, sa loob ng utak ko nag-replay ‘yong gabi sa New York na parang eksena sa mga movie.
Iyong sa loob ng bar na madilim, mausok, at puno ng mga taong naghahanap ng gulo o ng one-night stand. Iyong pustahan namin ni Olga na nahanap ko na raw ang katapat ko, 'yong ako na unang lumapit sa hot older guy na naka-mini dress at six inches na takong na parang wala lang.
Tapos ako mismo ang kumapit sa batok niya at hinalikan siya na akala ko, katulad ng lahat ng lalaking nahalikan ko before ay susuko at hihiling pa ng pangalawa.
Pero hindi pala.
Dahil itinulak niya ako.
Na parang may virus sa mga labi ko.
Na parang nandidiri siya sa akin.
“Siya ang inaanak ko?” tanong niya kay Lola Molly habang kunot na kunot ang noo.
Mababa ang boses niya pero puno ng hindi makapaniwalang gulat na parang hindi niya ma-process na ‘yong babaeng hinalikan siya sa bar ay ‘yong batang karga-karga lang niya twenty-two years ago.
“Oo, Emerson,” masayang sagot ni Lola, and OMG, wala siyang kaalam-alam na sa loob ko ay gusto kong maglaho, gusto kong tumalon sa bintana, gusto kong mag-sinungaling at sabihing nagkamali siya. “Siya na nga ‘yong Carys na nag-iisang apo ko. Ang inaanak mo.”
Hindi ako nakagalaw.
Parang may malaking kamay na humawak sa lalamunan ko at sinakal ako nang mahigpit. Kasi bigla kong naalala kung gaano ako ka-wild sa New York, kung gaano ako ka-lakas mang-akit, kung gaano ako ka-sanay na ako ‘yong naglalaro sa feelings ng mga kalaki.
Ako ‘yong nang-aakit, ako ‘yong umaalis kapag tapos na, at ngayon, ‘yong lalaking hinahanap-hanap ko ng halos isang buwan para lang patunayan na hindi ako matatanggihan ay siya palang Ninong Emerson na binanggit ni Lola noong tumawag siya sa'kin.
“Ninong?” lumabas sa bibig ko, pero pabulong, at may halong sarcasm at gulat, kasi hindi ko alam kung iiyak ba ako sa kahihiyan o tatawa sa laro ng kapalaran.
Tumingin siya sa akin.
At ‘yong mga mata niya na dati sa bar ay malalim, mainit, at parang may gustong sabihin bago ko siya halikan, ngayon ay puno ng gulat, pagkalito.
Kulang na lang, sabihin niya sa'kin na, “How the hell did we get here?"
“Carys,” sabi niya, at binigkas niya ‘yong pangalan ko na parang hindi pa rin niya lubos maisip kung paanong nangyari na ang baby na karga lang niya noon ay siya ng babaeng nakatayo ngayon sa harap niya.
Na naka-red na bodycon dress at sobrang taas ng cleavage na sinadya ko talagang isuot para kay Lola kasi sabi ko magpi-picture kami at ise-send ko kay Olga.
“Emerson, anak,” singit ni Lola at hinila niya ako palapit sa kaniya. “Yakapin mo naman ang inaanak mo. Ang tagal niyong hindi nagkita. Kuwento mo nga sa kaniya kung gaano siya ka-cute noon.”
Napalunok ako.
Gusto kong tumakbo palabas ng bahay ni Lola at mag-book ng next flight pabalik ng New York.
Gusto kong mag-sinungaling at sabihing may client emergency ako.
Pero nakatayo lang ako na parang estatwa habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin at yinakap ako.
Dahan-dahan na may paggalang. ‘Yong yakap na pang-pamilya lang.
Pero ramdam ko ‘yong pagtigas ng katawan niya. Iyong pag-iwas niya na akala niya hindi ko napapansin pero nararamdaman ko kasi sanay ako sa mga lalaki.
“Hi,” bulong niya sa tenga ko, at ‘yong baritonong boses niya, ‘yong boses na sandaling nagpatigil sa puso ko sa New York. “You grew up.”
At ako, si Carys, na lumaki sa New York kung saan hindi ako nagpapatalo, ngumiti ako kahit gusto kong sampalin ‘yong sarili ko sa kahihiyan.
“Hi, Ninong,” sagot ko. Sinadya kong diinan ‘yong huling salita na parang gusto kong ipaalala sa kaniya at sa sarili ko kung gaano ka-weird ‘tong lahat.
Umupo kami sa sofa sa opisina ni Lola.
At si Lola naman ay walang tigil sa kakakuwento kung gaano raw ako kabait, kasipag, ka-independent, kung paano raw ako nabubuhay nang mag-isa sa New York at hindi raw ako sumasama sa mga gulo.
Lahat ng sinasabi niya ay kabaligtaran ng totoo. At habang nakikinig si Ninong Emerson ay tumatango lang siya. Pero ni minsan ay hindi siya tumingin nang diretso sa akin.
Paminsan-minsan ay susulyap siya. At kapag nagtatama ‘yong mga mata namin ay mabilis siyang umiiling o titingin sa bintana. Na parang may kasalanan kaming dalawa na hindi namin puwedeng pag-usapan.
“Emerson, mag-stay ka muna rito ng ilang araw, ha? Kung hindi ka lang busy.” sabi ni Lola. “Para naman makabawi ka sa inaanak mo. Turuan mo siya ng mga bagay tungkol dito sa San Benitez. Para hindi siya ma-bore. Gusto ko siyang ipasyal sa mga lupain ko pero baka hindi ko na kayanin."
“Opo, Tita,” sagot niya, at ngumiti siya kay Lola, pero ‘yong ngiti niya na hindi umabot sa mga mata niya, pareho kami.
Paglabas namin ng opisina, magkasabay kaming naglakad pabalik sa garden kung saan nagkakalat pa ‘yong mga upuan at plato mula sa party.
Hindi kami nag-uusap.
Parang ang off ng hangin sa paligid namin. Hindi ko ma-explain. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya. Like sumbatan siya or ipamukha sa kaniya na nagkamali siya ng babaeng tinanggihan noon.
Pero hindi ko magawa dahil nandiyan si Lola at ibang mga kamag-anak. O dahil hindi pa talaga nagsi-sink sa utak ko ang mga nangyayari.
Hanggang sa huminto siya sa tabi ng fountain at humarap sa akin.
“Carys,” seryoso ‘yong mukha niya. “About that night in New York…”
“Stop,” putol ko agad, at tinaasan ko siya ng tingin kahit nanginginig ‘yong kamay ko sa gilid ko at pinipilit kong itago. “Wala ‘yon. It was just a mistake I made while I was drunk. Hindi ko rin alam kung sino ka that time. So let’s just pretend it never happened, okay?”
Tumango siya, at nakita ko ‘yong paggalaw ng mga balikat niya na parang nakahinga siya nang maluwag.
“Good,” sabi niya. “Kasi ako rin. At hindi na dapat maulit 'yon. You’re my goddaughter.”
Parang sinampal ako ng salitang ‘goddaughter’. Hindi dahil bawal, kundi dahil ako si Carys Virtanen.
Ako ‘yong babae sa New York na hindi tinatanggihan.
Ako ‘yong babae na kapag may gusto, nakukuha.
At siya, si Ninong Emerson, ang unang lalaki na tumanggi sa akin.
At ngayon kailangan ko pa siyang tawaging Ninong habang nakangiti kay Lola.
Paano ko pa babawiin ang pride ko? Lalo na kay Olga?
Sa buong gabi, nagpaka-normal ako.
Ngumiti ako kay Lola.
Tumawa ako sa mga biro ng mga kamag-anak namin.
Nag-post pa ako ng story sa IG na 'Family time in Pinas'. Para hindi mahalata ni Olga na gusto kong mamatay sa kahihiyan at para hindi niya ako i-bash ng isang linggo pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang totoo.
Pero sa loob ko, kumukulo ako.
Inis na inis ako.
Hindi lang dahil sa halik ko noon kay Ninong Emerson na ni-reject niya. Kundi ako ‘yong unang beses na napahiya ng isang lalaki.
At masakit ‘yon kasi hindi man lang ako makabawi.
Bago ako matulog sa dating kuwarto ko raw sabi ni Lola, kumatok si Ninong Emerson.
Binuksan ko ‘yong pinto nang konti lang nang magpakilala siya
Naka-silk robe lang ako. Naka-cross ‘yong mga braso ko. ‘Yong tipong New York girl na hindi nagpapakita ng kahinaan.
“Pasensya ka na uli sa nangyari,” sabi niya. “Hindi ko sinasadya na mapahiya ka noon. Hindi ko lang talaga in-expect.”
“Okay nga lang, 'di ba? Kalimutan na natin 'yon," sabi ko at ngumisi ako, ‘yong ngisi na ginagamit ko kapag ayokong halatang nasasaktan ako o kaya ay napapahiya. “Lasing talaga ako noon. At saka, lasing ka rin yata no'n."
“Hindi ako lasing,” sabi niya, at napabuntong-hininga siya. “Matino ako no'n kaya kita itinulak. Kasi alam kong mali. Masiyado ka pang bata para sa'kin."
Doon ako napayuko sandali. Para hindi niya mapansin ang pag-blush ko.
Masiyado ka pang bata para sa'kin.
Tapos tumingin uli ako sa kaniya nang feeling ko ay normal na uli ang kulay ng mukha ko.
“Magpahinga ka na, Carys,” sabi niya sa huli. “Bukas, ipapasyal kita sa mga lupain ng lola mo. Para naman may magawa tayo bukod sa… iwasan ang isa’t isa.”
“Fine,” napipikong sabi ko. So, may balak siyang iwasan sana ako? “But don’t expect me to act like some baby, Ninong. I’m twenty-two. I’ve been living alone in New York since I was seventeen. I don’t need a babysitter. I don’t need anyone.”
Tumango lang siya.
“Good night, Carys.”
“Good night,” sagot ko, at pagkasara ko ng pinto, sumandal ako doon at hinayaan kong tumulo ‘yong isang luha na kanina ko pa pinipigil.
Hindi dahil sa lungkot kundi sa sobrang frustration at pagkainis.
Kasi sa unang pagkakataon sa buhay ko, ‘yong taong gusto kong habulin para patunayan na kaya ko siyang paibigin ay ‘yong taong hindi ko dapat habulin kailanman.
Dahil ‘yong taong tinawag kong hot oldie man sa bar sa New York, ay siya palang Ninong Emerson ko, ‘yong lalaking dapat sana ay pangalawang ama ko.
Tapos ngayon, siya pa ang may ganang umiwas ulit sa'kin?
Itutuloy...