CARYS’ POV ANG lamig ng hangin sa silid ay walang laban sa init ng nag-aapoy na galit at pagnanasa na iniwan ni Ninong Emerson kagabi. Habang nakatitig ako sa puting kisame ng aking kuwarto sa mansiyon, paulit-ulit na nag-aagawan sa isip ko ang dalawang boses: ang boses ni Emerson na nagmamakaawa at umaangkin, at ang panunukso ni Olga sa telepono noong isang gabi. Pinatunayan mo lang na mahina na talaga ang karisma mo, Carys... Paano kung ikaw pala ang pinaglalaruan lang niya? Napaupo ako nang marahas. Hinahaplos ko ang aking labi na bahagyang namumula at mahapdi pa mula sa marahas na paghalik ni Ninong Emerson kagabi. Kahit anong gawin kong pagpakita ng katigasan sa kaniya, alam ko sa sarili ko na delikado na ang nararanasan ko. Kontrolado na niya ang katawan ko. Pero hinding-hindi k

