NARRATION. Nakatitig lang si Shina sa kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Walang buhay ang mga mata niya at namumutla rin ang mukha niya. Nakita siya ni Venice at dinala siya sa loob ng bahay. Wala na si Victoria nang makabalik sila at kahit kinakausap siy ni Venice ay hindi siya nagsasalita. Lumabas si Venice para kumuha ng pagkain ni Shina dahil hindi pa kumakain ang dalaga. Hindi niya alam ang tunay na nangyari pero wala siyang magawa. Napunta ang tingin ni Shina sa bottled lotion sa harap niya kaya dinampot niya ito at pagkatapos ay napatitig siya doon. Walang pagdadalawang-isip niyang inihampas ang botelya ng lotion sa salamin dahilan kung bakit ito nabasag. Kumuha siya ng isang piraso ng salamin at agad iyong pinadausdos sa balat niya. Malakas na bumukas ang pintuan at doon n

