***
From June to August hindi madali yung naging buhay ko dito sa FEU. We all know na mahirap mag adjust. But eventually nakahanap din naman ako ng friends at na ging comfortable dito.
But what do we expect nasa manila tayo were fake people is all around the corner. Hindi lahat ng naka ngiti sayo eh kaibgan mo.
Meron din namang mabubuting loob kadalasan silanyung galing din ng province like me. Pero kadalasan sa mga yan ugh! Never mind.
Kasabay ng paglipat ko ay ang pag babago ko ng course from arki to HRM. Hahaha o diba napaka lapit?
Paminsan minsan nakikibalita pa rin si sash saakin tungkol kay bebeloves nya. Nakukulitan na nga ako madlas eh. Pero wala eh. Hayssssss
From that period din eh panay ang padala saakin ng mensahe ni Mavy, like kamusta daw ako. Saan na daw ako ngayon, di nya na daw ako nakikita sa school. Mga ganyang message at kung ano ano pa.
Chinat ko agad si Mommy. Naguguluhan din kasi ako eh.
"Ma, Busy ka?" Tanong ko muna, baka kasi mamaya eh may importanteng ginagawa.
"Why? Hindi naman Baby." Lambing nya saakin.
"Kasi Myy si Mavy nag paparamdam nanaman. Mukhang may balak ulit." Sabi ko sa kanya
" Sinabihan na kita noon pa man, hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Pero alam mong hindi palagay ang loob ko sa kanya." Sermon saakin ni mama
Sabi na nga ba eto yung sasabhin nya hahaha. Nagbaka sakali lang naman ako eh. Well di ko naman masisisi si mommy eh.
After a month ng break up namin dun ko nalaman yung totoo. Na may communication pa din sila ng ex nya. At yung message na nareceived ko dati? Tama din ako na para kay Danya yun. Hinayaan ko nalang that time din kasi wala sa kanya yung focus ko.
Pero kung nasa stage ako ng sya yung focus ko malamang sobrang sakit sakin non. But salamat sa dami ng loads ko sa school di ko na napapansin yung ganon bagay.
May mga nakapag sabi pa saakin na nagkikita panga din daw sila non kahit kami ata. Ipinagkibit balikat ko nalang ang lahat.
Ganon naman talaga eh may mga taong hindi maka move on sa ex. Inintindi ko nalang kahit na nga kung tutuusin eh ako yung natalo. Kaya naging madali nalang din sakin ang maka move on. After all ako naman nakipag break eh.
Ganon naman talaga eh diba? People just come and go. May ilang nag sstay pero mas maraming umaalis.
One rainy afternoon habang palabas ako ng gate biglang nag pop-up yung messenger ko. Tinignan ko yung sender. Haysssss.
Eto nanaman yung feelings ko. Totoo talaga yung sinasabi nilang absence makes the heart go fonder.
Kaso may mga bagay kasi na hindi pwede eh. May mga bagay o tao na kino-consider tayo. Na mas inuuna natin lagi bago yung sarili natin.
Habang nag papatila ng ulan di ko maiwasang isipin kung kamusta na kaya sya? Alam ko wala pa ring nalilink sa kanya eh, wala din syang nililigawan. Ang hirap ng ganto sa totoo lang.
Binasa ko ulit yung message.
"Saan ka? Maniningil na ako dun sa pustahan natin."
----