***
Pauwi na si Mommy mamaya, as her promise a day daw before graduation ang uwi nya. Medyo kinakabahan ako kasi naman nabanggit ko na sa kanya si Mavy at ang sabi nya lang is "pag-uwi ko natin yan pag uusapan". I dont know pero kasi namang ngayon palang ako mag papakilala sa kanya ng boyfriend eh. Woooh! Bahala na.
Nandito kami ngayon sa harap ng Airport to fetch may Mom. 30 mins ata after ng arrival nya nakita ko syang palabas.
"Maaaaaaaa!" Masaya kong salubong sa kanya. Sobrang higpit na yakap yung sinalubong namin sa kanya.
Pagkatapos sa airport dumeretso na kami pauwi. Sa bahay nalang namin napag pasyahan na kumain. Kulang 3hr lang naman ang byahe at nakapag handa din kasi kami sa bahay bago umalis.
Habang kumakain biglang nagsalita si mommy tungkol saakin.
"Aika, kamusta kayo ni mavy?" Seryosong sabi nya
"Ah eh ok naman po, bago palang naman po kami, pero mukang ok naman po sya." Sabi ko naman
"Ayun na nga bago palang kayo, kaya paano mo nasasabing ok?." Seryosong tanong ni mommy.
"Myy naman! Ayaw nyo pa po ba akong mag boyfriend?" Naiiyak ko ng tanong kay mommy.
"Aika hindi sa ganun pero kasi masyado pa kayong bata, hayyyyy pero sige kung saan masaya ang bunso ko." Pasukong sabi nya saakin.
"Hihi thankyou myyyy!" Masaya kong sabi sabay halik sa pisngi nya.
"Pero gusto ko ding malaman mo na hindi ako kumbinsido sa may na yan. Mukha ding babaero." Mataray na sabi nya.
"Myyy naman!" Saway ko sa kanya. Nagkibit balikat nalang sya bilang tugon sa sinabi ko. Hayssssss
***
GRADUATION...
"Titamomsssss!" Maingay na bati ni sash kay mommy. Sa lahat kasi ng kaibigan ko sya yung pinaka malapit kay mommy.
Pagkalapit nya kay mommy nag mano agad sya sabay hug nila sa isa't- isa.
"Kamusta anak? May boyfriend ka na din ba?". Masayang bati sa kanya ni mommy
"Nako titamoms hindi pa po ako sinasagot! Ay este po wala po crush crush lang po, study first po muna." Makalokohan nyang sabi kay mommy.
"Ikaw talaga! Mag-aral muna kayo ha bago yang love love nayan hmmkay?". Nakangiting sabi ni mommy sa kanya. Napa thumbs up nalang si sash.
Maya maya kumakalabit nanaman tong babaeng to kasama nya na ngayon sila jihye. Di nanaman mapakali. Nandito kasi kami ngayon sa lobby ng school nakapila na for our graduation ceremony.
"Waaaaah! My ghawd! Bat ang gwapo ngayon ni paco?!". Kilala nyo na kung sino yan jusko pati mga parents namin natatawa na.
Habang nagkkwentuhan kami biglang naagaw ang atensyon ko ng papasok. Si Mavy holding a boquet of roses. With his parents. Never ko pa nameet parents nya kaya napaka lakas ng kaba ko.
" Me, De si Aika po girlfriend ko." Naka ngiting pakilala nya saakin sa parents nya. Sabay abot nya sakin ng boquet. Lumapit naman ako sa kanila para mag mano.
" Hello po Goodevning po." Nakangiti kong sabi sa kanila sabay mano.
" Goodevening din iha, Congrats sa inyo, any plans for college?" Sabi ni mame nya.
"Opo meron na po." Naka ngiti kong sagot. May itatanong pa ata sya nung pinapila na kami ng coordinator.
Masaya na malungkot na natapos ang ceremony. Masaya kasi nasurvived namin yung highschool life, masaya dahil panibagong yugto nanaman yung susubukan namin na magdadala saamin sa aming mga pangarap.
Pero nakakalungkot dahil sa mga alala na maiiwan. Sa mga taong maiiwan, sa lahat. Pero ganon talaga we all need this to get our dreams. Magkakahiwalay pang naman kami ng schools or magkakaiba ng sched. But it doesnt mean na may maiiba sa friendship namin.
Summer na pero walang ganap ngayon. Kanya kanyang lakad para mag paenroll. Hindi ko napursue yung manila dream ko na dun mag cocollege.
Naiwan kami nila jihye dito kahit si mica na nagbalak din. Saaming mag babarkada si Sashna lang yung nakapag Manila. Im so happy for her na natuloy sya sa CEU even though hindi sya sure sa tinatake nya.
Kagustuhan kasi ng papa ni sash na mag take ng Music course. Eh masynuring bata si sash ayun sumunod nalang at tsaka pabor din naman sa kanya yun kasi nga si paco eh natuloy din sa UE. Im so happy for her sana in that way ay mapansin na sya ni Paco.
Last week ng summer ngayon magkikita kami mamaya ni mavy. Nag iisip ako kung anong isusuot ng may mareceive akong text from mavy.
Mavy
" Magkita tayo please?"
Natawa ako sabay reply sa kanya na. "Talaga namang mag kikita tayo ngayon".
Hindi na sya nag reply after non. 3pm naghihintay ako ng message nya kung saan kami. Pero pag kalabas ko nakita ko na naka park sya sa harap ng bahay namin.
"Wow on time! Hahaha yan na ba yung gift sayo nila tita?" Tanong ko sa kanya
"Oo, tinry ko lang, para di na din tayo nahihirapan mag commute." Nahihiya nyang sabi
"Hahaha ano kaba ok lang naman ako eh kahit anong means of transportation as long as i am with you." Naka ngiti kong sabi sabay halik sa pisngi nya.
Natawa naman sya habang ginugulo ang buhok ko.
Nasa SB kami ngayon. Pareho kasi kaming coffee lover atsaka para maiba naman.
"Anong gusto mo babe?" Naka ngiting tanong saakin ni mavy
"Ah Java Chip tsaka blueberry cheese cake nalang B-babe." Nahihiya ko pang sabi sa kanya hindi pa kasi ako masyadong sanay sa tawagan namin. Most of the time sya lang natawag ng babe.
Ngumiti nalang sya sabay punta sa counter. He left his phone on the table so i took the chance to look at his phone. May nag message din kasi sa kanya.
Fr: Danya
" Ok fine, lets meet then."
Bigla akong natulala. Wait Danya? Danya Enriquez? Her ex? But why?
Kaagad kong ibinalik yung phone nya ng makita kong pabalik na sya. Hinintay nya na pala yung order namin kaya pala walag natawag sa name namin at antagal nyan bumalik.
"Gutom kana?" Nakangiting nyan tanong saakin.
"Ah hindi pa. Parang nawalang ako ng gana." Walang buhay kong sagot.
" Why? Is there a problem? Something wrong?" Nag aalala nyang tanong.
"Ahm wala bigla lang sumama pakiramdam ko." Tamad kong sabi
"Sige pag katapos natin ihahatid na kita, may pupuntahan pa kasi kami nila dade."
Tumango nalang ako at di na kumibo. Nawalang na talaga ako ng gana. Haloas nakalahati ko lang yung cake tas nag aya ng umuwi.