XANTINA Nasa bahay lang ako, hindi ako umalis maghapon pero iniiwasan ko rin si Mama kaya hindi rin kami nagkikita. Limabas ako ng kwarto ko at nagtungo ako sa balcony, malapit ng lumubog ang araw at tinatamad pa akong kumilos. Siguro hindi muna ako pupunta ngayon sa Freedom. Wala akong ganang lumabas ng bahay. Napatingin ako sa baba nang makita ko ang sasakyan ng ina ko na palabas ng bahay. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Hindi ko mapigilang sumama ang loob ko sa kaniya. Ako iyong hindi siya iniwan, na kahit gusto ko na rin magsolo, hindi ako umaalis dahil iniisip ko siya palagi. Paano kapag umalis ako? Mas hindi na ba siya papansinin ni Papa? Mas magsosola na ba siya rito sa bahay? Wala na siyang iiyakan, pero mukhang sponge lang ang tingin niya sa akin. Taga-absorb ng mga hinai

