XANTINA Mariing kinagat ko ang labi niya saka ko siya mrahas na tinulak palayo sa akin si Yohan. Akmang sasampalin ko siya pero nahawakan niya ang kamay ko kaya matalim na tumingin ako sa kaniya. Kita ko ang pagdugo ng labi niya sa ginawa kong pagkagat doon pero wala akong pakialam. “I want you to be jealous, X.” “Are you crazy?” “For you? Yes.” Mas iritadong tumingin ako sa kaniya. Mas naiirita ako sa banat niya. Paano niya nasasabi ang mga salitang iyon with straight face? “Leave me alone. Nabu-bwesit ako sa iyo,” saad ko at hinila ko ang kamay kong hawak niya bago ako mabilis nap umara ng taxi. Napahilot na lang ako sa ulo ko nang makasakay ako sa taxi. Ewan ko ba kung anong kailangan sa akin ni Yohan. Dumadagdag siya sa sakit ng ulo ko. Balak ba niya akong idamay sa collection n

