XANTINA Malaki ang ngiti ko nang magising ako. Parang ang sarap ng gising ko. Hindi kasi ako napuyat kagabi dahil hindi ako nagpunta sa Freedom. It’s been two weeks since Yohan and I got official. At sa loob ng dalawang linggong iyon ay hindi ko mapigilang mapangiti araw-araw. Hindi ko alam na may sweet at clingy side si Yohan. Kung dati, iniiwasan ko siya. Ngayon hindi ko na talaga siya maiwasan. Para bang alam niya kung nasaan ako palagi. Nagpapasalamat din ako dahil hindi na ako kinukulit ni Mama. Mula nang huling beses na pumarito siya at pinapauwi niya ako pero hindi ako sumama ay hindi na niya ako muling kinulit. Maaring masama ang loob niya sa akin pero ayaw ko talagang umuwi. Mabilis na akong bumangon at napangiti ako ng malaki nang makita kong may almusal na sa mesa nang magtu

