XANTINA
Malakas na sigawan, tugtog na tumatagos hanggang sa puso. Parang pati ang puso ko ay tumatambol dahil sa lakas ng tunog. Kita ko ang mga taong nagkakasayahan sa ibaba. Napatingin ako sa DJ na si Noie, kumindat pa ito sa akin nang magtama ang mga mata naming dalawa kaya ngumiti ako sa kaniya bago ko muling ibinaling ang tingin sa mga tao.
May mga masayang tumatalon-talon para sumabay sa malakas na tugtog. May mga sumasayaw at meron ding kulang na lang ay magtalik sa gitna ng karamihan. Napangiti ako habang nakatingin sa mga tao. They are all having fun, habang nandito ako sa may second floor. Meron ding mga nag-iinuman dito pero hindi sila kasing wild ng mga nasa baba. Mostly ng mga narito sa taas ay mga kilalang tao, may anak ng mayayamang negosyante, anak ng kilalang politiko at meron ding mga kilalang personalidad.
Lumapit ako sa bartender para humingi ng isang alak at nang i-abot niya iyon sa akin ay agad ko iyong tinungga. Medyo inaantok na ako at parang hindi ko na kakayanin pa dahil pagod ako sa coffee shop kanina. May absent kasi kaya ako muna ang pumalit bilang barista.
“Jay, I'll go ahead. Kayo na ang bahala rito,” paalam ko sa manager ng bar ko.
“Yes, ma'am,” mabilis na sagot nito.
Ngumiti ako sa kaniya bago tuluyang tumalikod. Alas diyes pa lang ng gabi, kasagsagan pa lang ng mga nagsasaya at nag-iinuman dito sa Club. Kalimitan ay alas tres na nagsasara ang night club.
Mabilis akong sumakay sa kotse ko at nagmaneho pauwi pero naisipan kong dumaan muna kay Xander. Malapit lang ang condo niya sa club pero madalang kaming magkitang dalawa dahil busy siya sa trabaho. Mula nang makapasa siya sa board at makapagtrabaho ay bumukod na siya. Mabilis lang naman siyang nakapagtrabaho dahil bestfriend niya mismo ang kumuha sa kaniya.
Baka makitulugan na rin ako sa condo niya dahil tinatamad na akong mag-drive. Bukas na umaga na lang ako uuw ng bahay.
Hindi na ako hinarang ng gwardiya nang makita ako dahil ilang beses na akong nakapunta rito at kilala na niya ako. Pinindot ko ang 11th floor kung nasaan ang condo ng kapatid ko. Sure naman akong hindi pa siya tulog dahil nakita ko pa siya kaninang online bago pumarito.
Pinindot ko ang doorbell pero nakailang pindot na ako ay wala pa ring nagbubukas. Sinubukan kong buksan ang pinto dahil baka bukas pero naka-lock iyon. Kaya ang kapatid ko ang sinubukan kong tawagan pero hindi naman ito sumasagot. Nagri-ring noong una pero napanganga ako nang biglang hindi ko na ma-contact. Huwag niyang sabihin na pinatayan niya ako ng phone? Ibig sabihin ba hindi pa siya umuuwi? Napatingin ako sa katapat niyang pinto sa kabilang dulo.
Humakbang ako papunta doon. Sana gising pa siya. Baka may alam siya kung nasaan ang magaling kong kapatid. Kakatok pa lang sana ako pero nakita ko nang naka-angat iyon kaya hindi na ako kumatok at pumasok na ako sa loob. Hindi pa ako nakakapasok dito, ngayon pa lang. Medyo madilim ang buong paligid, ang tanging ilaw lang ay ang ilaw sa table kung saan siya nagtatrabaho kapag nandito siya sa condo niya. Glass wall iyon kaya lampasan ang liwanag. Siguro gising pa siya dahil maliwanag pa sa working table niya.
“Yohan?” tawag ko sa pangalan ni Yohan. Ang bestfriend ng kapatid ko.
Muntik na akong madapa nang madulas ako dahil sa nayapakan ko. Mabuti na lang at napahawak ako sa sandalan ng single sofa. Tiningnan ko kung ano ang nayapakan ko at napakunot ang noo ko nang makita kong high heels iyon.
“Ohhh! Ugh! More!” napakunot ang noo ko nang marinig ko ang malakas na ungol.
Napanganga ako dahil sa narinig ko.
“Oh, s**t! You're big!”
Napatakip ako ng bibig dahil sa mga naririnig ko. Mukhang wrong timing ang pagpasok ko condo ni Yohan. Kahit hindi ko tingnan kung ano ang ginagawa nila ay alam ko na iyon base pa lang sa malalakas na daing ng babaeng kaulayaw niya.
Hindi ko alam kong ano ang pumasok sa isipan ko at humakbang ako papalapit sa kwarto kung saan ko naririnig ang malakas na ungol kanina. Ngunit malayo pa ako sa pinto ay napahinto na ako. Shock na shock ako sa nakikita ko ngayon. Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata ko. Bukas ang kwarto kung nasaan ngayon si Yohan at kitang-kita ko siyang nakatayo sa harap ng isang babae. Kita ko pa ang pantalon niya na nasa bandang tuhod lang. Nakahawak siya sa buhok ng babaeng nakaupo sa kama at wala na ring saplot. Kahit nakatalikod ang babae ay alam ko kung anong ginagawa niya base sa posisyon nila at sa nakapikit na mukha ni Yohan na tila nasasarapan sa ginagawa ng babae. Kita ko ang pag-urong sulong ng ulo ng babae sa harapan ni Yohan.
Aalis na sana ako bago pa nila ako makita pero biglang nagmulat ng mga mata si Yohan at nagtama ang aming mga mata. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, nagmamadali akong tumalikod at tatakbo na sana ako palabas pero sa kasamaang palad ay natalikod ako sa heels na nayapakan ko kanina dahilan para madapa ako.
Napangiwi ako. Muntik na akong humalik sa sahig kung hindi ko naituon ang mga kamay ko. Lihim akong napamura. Kasabay noon ay lumiwanag ang buong paligid. Mariin akong napapikit bago bumangon at humarap kay Yohan na may alanganing ngiti.
Lintik kasing heels iyon. Pakalat-kalat.
“Hi,” awkward na bati ko sa kaniya. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Nakataas na ang pantalon niya ngayon pero wala pa rin siyang pang-itaas habang ang babaeng kasama naman niya ay nakabalot lang ng puting kumot at magulo ang buhok.
“What are you doing here, X?”
“Naligaw?” hindi siguradong sagot ko.
Tumayo ako. Huli na ako kaya alam kong kahit magpalusot pa ako ay hindi siya maniniwala sa akin.
“Yohan, who is she?” tanong naman ng babae. Mukhang naiirita ito dahil naistorbo ko sila.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina. I mean, hindi ko inaasahan na maabutan ko sa ganoong tagpo si Yohan. Bigla tuloy nawala ang tahimik at masungit niyang image sa utak ko dahil sa nakita ko.
“Leave,” malamig na saad ni Yohan kaya tumango ako at tumalikod na para umalis.
Baka may to be continued sila kaya pinapaalis ako. Aalis naman talaga ako.
“Not you, X.”
Napalingon ako sa kaniya na nagtataka.
“Are you asking me to leave?” hindi naman makapaniwalang tanong ng babae habang nakaturo sa sarili niya.
“I am not asking.”
Naikiling ko ang noo ko sa paraan ng pakikipag-usap ni Yohan sa babae. Parang wala man lang siyang amor dito samantalang kanina naririnig kong nabibilaukan ito habang subo-subo ang ano niya. Hindi ba niya iyon girlfriend at basta na lang niya pinapaalis?
“You jerk!” galit na galit na saad ng babae at tumalikod ito.
Napasilip naman ako at nakita ko itong hubo't hubad at nagsusuot na nang panty niya. Tumingin ako kay Yohan.
“Ako na lang aalis. Pasensya na, naistorbo ko kayo. You can continue. You don't have to mind me, isipin mo na lang, langaw akong dumaan.” Tumawa pa ako pero halatang awkward ang naging tawa ko.
“Stay.”
Ngumuso ako sa kaniya. Bakit ba ang tipid niya magsalita?
Kaya kahit gusto kong umalis ay nanatili muna ako. Naasar pa akong napasunod ng tingin sa babaeng ka-s*x niya kanina dahil binangga ako nito matapos damputin ang high heels niyang dahilan kung bakit nadapa ako. Hahablutin ko pa sana ang buhok dahil muntik na akong matumba pero hinawakan ni Yohan ang kamay ko para awatin ako.
“Now, talk. Why are you here?” seryosong tanong ni Yohan nang makaalis na ang babae. Parang walang nangyari ang kilos nito.
“Nagpunta kasi ako kay Xander. Wala siya, tatanungin lang sana kita kung alam mo ba kung nasaan ang kapatid ko. Bukas ang pintuan kaya pumasok na ako. Hindi ko naman alam na busy ka palang akyatin ang langit,” mahabang paliwanag ko sa kaniya. “Sa susunod mag-lock ka. Paano kung hindi ako ang nakakita at kinunan na kayo ng video? Viral ka na sana bukas.”
“You should still knock.”
“Sorry na. Hindi na mauulit. Promise, hindi na ako papasok dito sa condo mo next time,” pangako ko. Baka mamaya malala pa ang makita ko. “Huwag kang mag-alala. Wala akong nakita. Hindi ko nakita.” Mabuti nga hindi ko nakita ang batuta niya kasi subo noong babae at natatakpan din ng ulo nito. Mas awkward siguro kong nakita ko iyon.
Kaya dapat talaga ay hindi na ako pumasok.
“Hindi rin kita isusumbong kay Tita Yonna. Basta don't forget to use protection. Baka maging tita ako bigla,” nakangiting sagot ko sa kaniya.
Pinipilit kong ngumiti para hindi niya mapansin na naiilang ako sa titig niya. Para kasing titirisin niya ako ng buo. Bitin siguro kaya galit.
“My child will never be your niece or nephew. We are not relatives,” malalim ang boses na sagot nito.
Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Bestfriend lang naman siya ng kapatid ko at kaibigan ni Mama ang mommy niya. Close ang family namin, kaming dalawa lang ang hindi close. Ewan ko sa kaniya pero feeling ko, ayaw niya sa akin dahil lagi siyang umiiwas sa akin.
“Oo na,” napipilitang sagot ko. “Una na ako. Pasensya na ulit kong nabitin ka.”
Magsarili na lang siya pag-alis ko para makaraos siya. Mukhang nagsisimula pa lang kasi sila nang ma-istorbo ko.
“Are you going to drive?”
“Alangan namang lumipad ako?” pilosopong sagot ko sa kaniya.
Tumalim ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko.
“Wait for me. I'll drive you home,” sagot nito at tumalikod na. Siguro ay kukuha siya ng damit dahil kanina pa nakabalandra ang katawan niya sa akin.
Pero bago pa siya makabalik ay nagmamadali na akong lumabas ng condo niya. Hindi na niya ako kailangang ihatid pauwi dahil kaya ko namang mag-isa. Mas awkward kapag ihahatid niya ako dahil hindi naman siya nagsasalita. Isa may dala naman akong sasakyan, naistorbo ko na siya kaya hindi ko na siya aabalahin pa.
Pero sa halip na umuwi ng bahay ay bumalik ako ng club. Nagulat pa ang mga staff ko nang makita akong muli, pero hindi naman sila nagtanong. Humingi akong muli ng alak baka kapag nalasing ako ay makalimutan ko ang nakita ko. Pinilit ko lang maging kalmado kanina pero parang magwawala ang puso ko sa kaba. Sa dami nang makikita kong live action, si Yohan pa talaga. Akala ko nga magagalit siya, pero mukha namang wala siyang pakialam kahit na nakita ko sila. Sana pala dumiretso na lang ako ng uwi kanina.
Ipinilig ko ang ulo ko dahil biglang nag-reply sa utak ko ang eksenang nasaksihan ko kanina.
Yohan is not innocent like what I always think. Akala ko dahil suplado kaya wala siyang nagiging girlfriend, pero mukhang hindi lang siya mahilig sa relasyon, pero halatang marami na siyang babaeng naikama. Ibig sabihin, sekretong babaero rin pala siya.
Napatingin ako sa alak na hawak ko at napangiti. I did something stupid tonight. I caught my brother's best friend having s*x, and his face while the woman is sucking him can't leave my mind.
I suddenly remembered what I heard. The woman said he is big. Now, I am curious how big.