Halos alas otso palang ng gabi ay tulog na tulog na si Monique sa tabi niya, marahil ay napagod ito sa pag wawala kanina sa parking at sa pag wawala din nito noong dinala niya sa bahay niya tapos lalo pa niyang pinagod kanina. Napangiti si Samuel habang naka titig sa magandang mukha ng dalaga, bahagya niya pang hinilot ang hati sa noo nito, lalo lang siyang natawa nang marahang alisin ni Monique ang kaniyang kamay sa noo nito. “Kahit ba sa pag tulog masungit ka pa rin?” Tatawa tawang bulong niya dito saka marahang umalis sa kama para mag hapunan, gusto niya sanang gisingin si Monique para yayain ding kumain ngunit masyadong mahimbing ang tulog ng dalaga, sa halip na gisingin pa ito at istorbohin sa pag tulog ay mas pinili nalang niyang iwan na muna ang dalaga sa kaniyang silid, siguro n

