Ayaw pa sanang iwan ni Samuel si Monique sa kaniyang silid dahil natutuwa pa siyang asarin at i-tease ang dalaga, kaya lamang ay araw ng lunes ngayon at marami siyang trabahong kailangang gawin. Ganon pa man ay mas pinili niya pa ring sa bahay nalang mag trabaho, mayroon din naman kasi siyang sariling opisina sa bahay niya. Dating library iyon ng dating may ari ng bahay, hindi naman niya kailangan ang library kaya ipinabago niya iyon at pinagawang opisina na lamang. Malaki ang ngiti na nag lakad si Samuel patungo sa kaniyang opisina, naka salubong niya pa si nana Mila na kunot na kunot ang noong naka tingin sakaniya, hindi naman na niya binigyan pa ng pansin ang matanda sa halip ay mas nilakihan niya lamang lalo ang kaniyang ngiti. Marahil ay nag tataka lamang ang matanda ngayong mukha

