Saglit na sinipat ni Monique ang sarili matapos maka baba sa sasakyan ni Samuel at pilitin siya nitong makapag bihis. Bahagya pa siyang napa ngiwi dahil sa itsura ng pananamit niya ngayon. “Ugh! I look like a trash! Mukha pa akong hilaw na turon.” Naka simangot na reklamo ni Monique, sa laki ng t-shirt ni Samuel ay natabunan ang maikli niyang shorts, kung hindi lang siya naka make up at lips stick ngayon ay mag mumukha na siyang losyang na taon taong buntis. “Huwag kang mag alala, maganda ka pa rin, mas maganda ka pa ngayon kesa sa suot mo kanina.” Natatawang sabi sakaniya ni Samuel na ngayonn ay papa lapit na sakaniya matapos ayusin ang pag kaka parada ng sasakyan nito. Katakot takot na irap lang naman ang isinagot niya rito saka siya nag pasyang iwan na si Samuel doon at nag mada

