Tahimik na nakikiramdam si Samuel habang nakahiga sa kamang iyon na mayroong pulang covers habang katabi naman niya ang naka talikod ng higa at tahimik lang ding si Caitlyn. Alam niya ring umiiyak ngayon ang babae dahil sa marahan nitong pag singhot, hindi naman malaman ni Samuel kung paanong pag comfort ng gagawin niya kay Caitlyn. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya dito kaya naman mas pinili nalang niyang manahimik. Ilang minuto pa silang ganoon nang mag kusa nang gumawa ng mapag uusapan si Caitlyn, humarap ito sakaniya at mataman siyang tinitigan. “Pag katapos ng gabing ito, you are already free Sam.” Napa balikwas ng bangon si Samuel dahil sa narinig na sinabing iyon ni Caitlyn, hindi niya sisgurado kung tama nga ang nasa isip niya na ibig sabihin nito kaya naman napa titig

