Tempted 8

1416 Words
"Pwede ba? Sabihin niyo na nga sa akin?!" I said with the high pitch tone of my voice. Kanina pa nila ako binibitin. Malalagot talaga sila sa akin pag nagkataon. "Do you still remember Fellis?" tumango naman ako. Si Tita Fellis yung pangatlong anak nina Grandpa. Sa lahat ng anak niya ay siya lang yung pinakaayaw ko. Kaya hindi nakakapagtatakang may hidwaan na nangyayari sa kanila nina Grandpa. Naalala ko pa nga noon na di niya ako tanggap bilang kapatid niya cause for her I'm just a total stranger in the family. Di daw ako nababagay sa kanila pero I'm thankful cause there is still Ate Stacy in my life who is ready to protect me when I'm still a kid. "Kilala mo ba yung mga anak niya na pinsan natin?" tumango naman ako. Sila lang yung mga pinsan namin na di namin close kasi di namin trip yung mga ugali. "Kung ganun kilala mo si Avas." maarteng tanong ni Kina. Napangiwi ako nung narinig ko ang pangalang iyon. "Of course. Sinong di makakalimot nun when she had stole my boy?" mataray namang tanong ko. Everytime na balikan ko yung pangyayaring yun kumukulu talaga yung dugo ko sa babaeng yun. Ang sarap talupan. Siya yung dahilan kung bakit nawala si Grey sa akin dahil inakit niya. "Nalaman ni Grandpa na may relasyon sina Avas and Vince. Diba ang landi lang?" nabigla ako sa sinabi ni Ellie. "Bakit di ko alam yun?" tanong ko naman. "Kasi nga nilihim lang yun ni grandpa kasi siya lang yung may alam nito at ayaw na niyang kumalat pa ang isyu. Nagalit nga si Grandpa kay Vince at maging kay Avas dahil sa mga nakakadiring pinagagawa nila. And guess what had Vince told grandpa?" Trice paused. "It was just all pleasure." Pleasure lang naman talaga yung habol ni Vince kahit kailan. "Hey! Girl! Let's keep our mouth shut and let's enjoy this day. Mag-mo-mall tayo!" sigaw naman ni Ellie at di ko na namalayang nasa mall na pala kami. Dahil sa mga nalaman ko parang nawala ako sa sarili ko na di ko alam. Jealous? Bakit naman ako magseselos sa Avas na yun? Dahil naging sila ni Vince? No way! Pero bakit naging big deal sa akin yung relasyong meron sila ni Vince? Dapat nga di na ako makialam dahil di ko naman yun problema. Besides I must enjoy this day. I should mind our own business. Walang Avas. Walang Vince. Inenjoy na lang namin yung presence ng bawat isa. Bumili kami ng recent trends such shoes, dress, bags, at kung anu-ano pang nakikita namin. Kasalukuyan kaming nasa Dress shop ngayon. We're looking for the best dress kung meron man kaming magustuhan. There's one dress that caught my attention. Maikli siya but the style? I love it. Kukunin ko na sana when one hand suddenly grabbed it too. "Excuse me? I got it first." taas kilay kong sabi sa babaeng ang kapal ng blush-on na daig pa yung teen ager na nakita si crush. "But I saw it first dear." she replied. "The hell I care dear." ginaya ko yung tono ng pananalita niya. Sobrang arte! Okay lang naman sana pero di kasi bagay sa kanya. Nag-agawan pa kami. After a seconds ay binitawan ko na yung dress dahilan para bumagsak siya sa sahig. "Oops my very bad." I said acting like I didn't plan it to happened. Bskit? Sinadya ko bang tanga siya? "Ellie, let's go baka tuluyan lang masira yung day ko." sabi ko with matching flip hair at tinalikuran na siya. Ngumiti lang sila Sassy sakin. Lalabas na sana kami nung may biglang sumabunot bigla ng buhok ko dahilan para gumana yung pagiging b***h ko. "Who are you para gawin mo yun sa kaibigan ko?! b***h!" mataray na tanong nung babaeng sa tingin ko ay kasama nung babaeng tanga. "At sino ka naman para kalabanin ako?!" I said in a bitchy way sabay sampal sa mukha niya. To the left, to the right. Dapat lang yan dahil sinabunutan na niya yung buhok ko. Sila Ellie naman, nandun lang sa may side sofa at nanonood lang. Sanay na sila sa ganitong pangyayari. Chicken lang sa amin to. "b***h!" nangagalaiti na niyang sigaw habang hawak yung magkabilang pisngi dahil sa lutong ng sampal ko. Tiningnan ko naman siya sa suot niya. Mula ulo mukhang paa. "Slut! Basura! w***e! Salut!" maarteng sabi ko naman sa kanya. Checking her wholesome. "How dare you!" "f**k you!" sagot ko naman. Namalayan ko na lang na nagsasabunutan na kami sa sahig but sorry siya dahil mas b***h talaga ako. Nakahiga siya sa may sahig habang ako naman ay nakasakay sa kanya. Pinagsasampal ko siya na kulang na lang sakalin siya para mawalan na ng hininga. Maya-maya pa may umawat sa amin. Di ko kilala but parang familiar yung amoy niya. I know na hindi sila Ell yung pumigil sa akin. Gusto ko pa sanang kumawala pero tuluyan na kaming naawat. Kinaladkad na ako nang kung sino mang bwesit na ito. Nakatingin pa rin ako sa babaeng awat na rin ng mga gwardiya. Tatandaan ko talaga ang pagmumukha niya kahit na sa tuwing maaalala ko ay masusuka lang ako. I'm not done with you girl. Pakyu lang ang walang ganti. "Bitawan mo nga ako pwede?! At sino ka-- Vince?" nanlaki yung mga mata ko dahil sa lalaking kaharap ko ngayon. Please, wag siyang magsumbong kay Grandpa. Ayokong malaman ni grandpa na gumawa ako ng eksena. Baka magrounded pa ako sa edad kong ito. "Shut up!" Alam kong galit pa rin siya hanggang ngayon dahil sa ginawa ko kanina. I know Vince. He's madly serious this time. "Bitawan mo nga ako! Pwede ba?!" kinaladkad niya pa rin ako hanggang sa nakaabot na kami sa parking lot. "Anu ba Vince! Bitawan mo na ako! Andun pa sila Ell!" pagpupumiglas ko sa kamay niya. " I won't. And never will." sagot niya habang kinakaladkad pa rin ako. Natatakot na talaga ako sa tono ng pananalita niya. "Sabing bitawan mo na ako!" sigaw ko ulit. "Shut up or else!" pagbabanta niya naman sa akin. "Shut up or else isusumbong mo a----" nagulat na lang ako nung bigla na lang siyang humarap at hinalikan ako ng madiin. Naitulak ko na siya bago pa mag-sink in sa utak yung nangyayari. "Mag-ingay ka pa at hindi lang yan yung aabutin mo sa akin." sabi niya na may ibang pinakakahulugan. Alam kong may ibig sabihin siya ron. Bwesit talaga siya. "Vince, san mo ba ako dadalhin?!" tanong ko sa kanya habang yung kamay ko hawak niya pa rin. Di niya talaga ako papakawalan ano? "Pinapahanap ka na ni Grandpa sakin. Iuuwi na raw kita." Ayun naman pala. Pinapahanap na ako ng Grandpa. Pinagbuksan ako ni Vince ng pinto. May pagka- gentle man rin pala to. "Pasok na!" sabi niya sabay tulak sakin. Anak ng! Itulak ba naman ako?! Pinaningkitan ko siya ng tingin dahil sa kanyang ginawa. Asan na kaya sina Ell. Sana ay umuwi na sila. Tahimik lang yung biyahe namin. Alam kong may iniisip siya. Siguro ay dahil sa break up nila ni Lee ata yung pangalan. "Vince, I'm sorry." sabi ko kaya naman napalingon siya. Na guilty kasi ako sa nagawa ko. Kahit na manyak siya. Kahit na bastos yung bibig niya. Kahit gago siya may kasalanan pa rin ako sa bwesit na'to. "Let's not talk about that." alam kong seryoso siya ngayon dahil bakas ko ang lungkot sa mukha niya. "Minsan lang ako magseryoso Viss tapos sinira mo pa." pinapaguilty niya pa ako lalo. Oo na. Inaamin ko naman na kasalanan ko talaga. "Vince, I'm sorry na. Patawarin mo na ako please? Kahit ano gagawin ko lahat ng gusto mo." sabi ko sa kanya with matching panatang makabayan pa. Nag-smirk lang siya. "Kahit anong sorry mo pa Viss, di na yun maibabalik pa." mas tuluyan akong nakonsensya sa sinabi niya. Ayoko ng ganitong klaseng treatment. Hindi ako sanay na ganito siya sakin. Mas gusto ko pa rin yung talagang Vince na nakilala ko kahit na manyak at mayabang pa siya. "Vince." tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sakin ulit. He just gave -what- look. "Seryoso ka ba talaga kay Lee?" may konting kirot nung binanggit ko ang pangalan nung babaeng yun. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit. Matagal bago siya nakasagot. Isang makahulugang sagot. "Kung nakokonsensya ka don't feel sorry. Just be grateful that the girl I want to take seriously doesn't belong to the choice. She is not part of the choice Ainah, cause loving her is forbidden."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD