Tulala si shaina nang maka uwe sakanyang bahay. hinatid siya ni brent, pero agad din itong umalis ng mapansing wala sa mood ang dalaga. iniisip niya ang nangyare kanina sa dinner. Simula kase ng malaman ni anton ang tungkol sa pag babalak niyang huminto sa pag tatrabaho sa company nito ay busangot na ang mukha ng binata hanggang matapos ang dinner. Hindi manlang siya tinapunan muli nito ng tingin.
Isang linggo matapos ang dinner ay siya naman ang iniwasan ng binata. Iniisip niya nalang na mas okay na yun para hindi na rin siya mahirapan.
Nag titimpla siya ng kape na dadalhin niya para kay anton. Sabado ngayon at maaga siya pumasok sa trabaho dahil wala siyang pasok sa school. Pag bukas niya ng pinto ay laking gulat niya sa nadatnan ayos ng binata. Muntik na niyang mabitawan ang basong may lamang kape dahil sa pagka gulat niya. Bahagyang natapon lang ito sakanyang kamay pero hindi niya nainda ang init ng natapong kape dahil sa babaeng naka kandong kay anton habang nag hahalikan ang mga ito. Dahan dahan siyang umaatras ng lakad habang nanginginig ang kaniyang mga binti.
Habang umaatras siya ay hindi niya napansin na malapit na siya sa isang stanteng may kaunting display na figurines at nadanggil niya ito na nag likha ng inggay.
Nagulat si anton at nanlalaki ang matang napatingin sakanya. s**t! rinig pa niyang mura nito.
S...so...rry po. sorry hindi ko alam may kasama po pala kayo sir. Nanginginig na paliwanag niya sabay nagmadaling umalis sa office ni anton. nangilid ang kanyang luha at nanginginig ang mga kamay habang pinipindot ang button ng elevator. what was that ? sa isip ng dalaga. nang makapasok siya sa elevator ay nagbagsakan ang luhang kanina pang gustong kumawala sakanyang mga mata.
Nakarinig siya ng nagmamadaling yabag at bago mag sara ang pinto ng elevator ay nasilayan niya mukha ni anton na may takot at nag aalala. Tumunog ang kaniyang cellphone pagkarating niya sa lobby. Nang makitang si brent ang tumatawag ay agad niyang sinagot ang tawag nito .
Huminga siya ng malalim bago sagutin ang tawag. Hi ! anong atin ? pinilit niyang pasiglahin ang kaniyang boses.
free kaba today? let's hang out !. Hindi na siya nag dalawang isip at pumayag sa alok ni brent. Wala siyang paki kung magalit si anton dahil umalis siya kahit hindi pa oras ng out niya sa trabaho. Sinabi niya kay brent na sa bahay nalang siya sunduin nito dahil uuwe pa siya para mag bihis ulit ng damit.
Habang nag aayos ay paulit ulit na nag-replay sa isipan niya ang nadatnan niyang eksena sa office ni anton. Hindi niya akalaing gumagawa ito ng milagro sa trabaho. Sa ilang buwan na niyang pag tatrabaho dito ay ngayon niya lang nahuli itong may kasama babae sa loob ng office nito.
miss sungit ? naputol ang kaniyang iniisip ng marinig ang tawag sakanya ni brent. Nasa labas na ito ng kaniyang bahay. Sinalubong niya ito ng may matamis na ngiti sakanyang labi. Hi ! tara na ? anyaya niya rito.
Habang nag da-drive si brent ay nag usap sila kung san sila pupunta. Wala kang work tomorrow right? tanong nito sa dalaga. Agad naman sinagot ni shaina na wala. Bakit ko pala natanong ? hindi siya sinagot ni brent bagkus ay lumitaw dito ang isang magandang ngiti.
hindi namalayan ni shaina na nakatulog siya sa byahe at ng idilat niya ang kaniyang mata ay naka hinto na ang sasakyan. gising kana pala, nandito na tayo. naka ngiting banggit ni brent sakanya.
Binuksan niya ang pinto ng front seat at inilibot niya ang kaniyang paningin. Nang makita niya ang dagat ay napalingon siya kay brent at naabutan niya itong pina nunuod ang kaniyang ekspresyon.
Anong ginagawa natin dito ?
wala lang, feeling ko kase ay kelangan mo ng sariwang hangin. I just notice that this past few days you were spacing out too much. sinasbi niya iyon ng naka ngiti pero pag tinitigan ang kaniyang mata ay makikita mo ang lungkot na naka paloob dito.
thank you sabay yakap ni shaina kay brent. Laking pasalamat ni shaina na nakilala niya si brent. simula kasi ng maging mag kaibigan sila ay palagi nalang siya nito pinatatawa kahit minsan ay nagmumukha na itong tanga. Bahagya niyang nakalimutan ang sakit na dinulot ni anton sakanya.