Hindi ko na nagawang magsalita pa. Sobrang nabigla ako sa naging turan niya. Talagang hindi ko inaasahan na gano'n ang magiging reaksyon niya sa pagtatanong ko. Oo naging mainit din ang pag-approach ko sa kanya. Sino ba ang hindi mag-iinit, wala akong alam kung bakit siya umalis? Hindi ko alam kung anong problema. Hindi ko alam kung bakit naglalasing na naman siya. Ang hirap intindihin. Bakit sa isang iglap lang ay nabago ang ugali niya? Nanatili na lang akong nakatayo at pinagmasdan siyang padabog na pumanhik. Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko kasabay ng pabagsak na pagsara niya sa pinto ng aming kwarto. Nanghihina akong bumalik sa pagkakaupo pero ang mga mata ko nasa ikalawang palapag pa rin. Hoping na muling bumaba ang asawa ko at mag-sorry. Pero sumakit na lang ang l

