Sandali akong hindi nakakilos. Yakapin ka ba naman ng lalaking alam mong may gusto sa'yo simula pa lang pero walang lakas ng loob magtapat dahil takot matanggal sa trabaho. Bakit ngayon ay may payakap-yakap itong nalalaman? Hindi pa simpleng yakap ang ginagawa niya. Yapos na matindi. "Ronan, gusto mo bang matanggal sa trabaho?" may diin na tanong ng asawa ko. Rinig ko ang mapakla niyang tawa at may papisil pa talaga sa balikat ko bago bumitiw sa pagyakap sa akin, saka hinarap ang asawa ko na hindi maitago ang inis. Pero imbes na sumagot kaagad, nanghahamong ngiti ang tugon niya sa naiinis kong asawa. Anong kaartehan ba itong ginagawa ni Ronan? Ngayon pa talagang kasal na ako, saka pa siya nagkalakas ng loob na isiwalat ang nararamdaman niya. "Sana nga po, pinili ko na lang na matan

