DANNY POV Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga binitawang salita ng asawa ko kagabi. Ang gago ko. Dahil kahit ang aluin siya ay hindi ko kayang gawin. Pakiramdam ko kasi hindi ko deserve na magmahal. Hindi ko siya deserve! Matamlay akong bumaba matapos maligo at magbihis. Inaasahan kong nasa baba na ang asawa ko at tahimik na naghahanda ng almusal para sa amin ng mga bata. Pero nadismaya ako nang hindi ko siya nadatnan doon. Hindi ko rin naririnig ang tawanan ng mga bata. Sumilip din ako sa hardin, baka sakaling nando'n sila pero wala rin. Nakapagtataka na sa ganitong kaaga ay wala ang asawa ko at wala rin ang mga bata. Ang tahimik ng mansyon. Kahit si Nanay ay hindi ko rin nakikita. Lahat yata sila ay iniiwasan na ako. Sa bagay, sino ba ang may gustong harapin ang tarantadong gay

