Chapter 9: Welcome to Cebu

938 Words
Tahimik ang maliit na café sa Makati kung saan naka-duty si Francesca nang dumating ang mensahe ni Dennise. Habang pinupunasan niya ang mesa, nag-vibrate ang phone niya sa apron pocket. Agad niya itong kinuha, at nang mabasa ang pangalan ni Dennise, isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya—pero agad din iyong napalitan ng pagkabigla nang mabasa niya ang nilalaman ng message. Ces, good news! May trabaho ka na sa Cebu. Corporate position. Start next week, Monday. Prepare na ha! Paki-send daw resume mo for proper placement. Parang biglang bumagal ang paligid. Ang ingay ng espresso machine, ang pag-uusap ng mga customer—lahat parang na-mute. Tanging t***k ng puso niya ang malinaw na naririnig. Cebu. Ang salitang iyon ay parang sumabog sa utak niya. Ilang taon na siyang hindi umuwi doon. Ilang taon mula nang iwan niya ang lahat—pamilya, kaibigan, at… buhay niya sa Cebu Napabuntong-hininga siya at napangiti kahit may halong kaba. Sa dami ng posibilidad, hindi niya akalain na babalik siya sa lugar na iyon. Hindi pa siya nakaka-recover sa gulat nang biglang nag-ring ang phone. Tawag ni Dennise. “Hello, Den?” mahina niyang bati, pilit pinapakalma ang boses. “France! Nabasa mo na chat ko? Confirmed na. Nakausap ko na friend ko, ikaw na ang bahala sa details, ha?” Sandaling natahimik si Francesca bago napangisi nang kaunti. “Ah… wala. Na-shock lang ako, kasi ang bilis lang. At sa Cebu pa talaga, hehe.” “Good ka na? Start ka next Monday. Punta ka na before Friday para makahanap ka pa ng matitirhan. Walang uniform requirement, basta corporate attire daw,” dagdag ni Dennise na parang walang ka-effort-effort. “Oo, sige. Salamat talaga, Den.” Napalambot ang boses niya, ramdam ang pasasalamat. “Walang anuman. Kaya mo ‘yan. Bye!” Pagkababa ng tawag, napatingin si Francesca sa labas ng bintana. Traffic pa rin sa Makati, parang wala lang nagbago sa mundo—pero para sa kanya, lahat nagbago sa loob ng ilang minuto. Cebu. Babalik siya sa lugar na akala niya ay iiwan niya na habambuhay. Nang uwi-an na ay agad niyang kinausap ang manager niya. Nagpaalam na hindi na siya babalik bukas. Buti na lang maayos ang lahat, at pinayagan siya dahil may magandang dahilan. Pagpasok sa maliit na condo unit sa Mandaluyong, agad niyang binuksan ang laptop. Tinype niya sa search bar: affordable room for rent near IT Park Cebu. Habang naglo-load ang mga results, hindi niya maiwasang mapaisip sa nakaraan. Originally, taga-Cebu siya. Dati may bahay pa sila doon, pero nang magkasakit si Mama, napilitan silang ibenta iyon para sa hospital bills. Ngayon, ang natira na lang ay ang maliit na bahay sa Cavite at itong condo na tinitirhan niya—pero hindi rin sa kanya iyon. Kay Dennise iyon, kaya malaking tulong na binigay nito sa kanya noon. She shook her head, pilit inaalis ang lungkot. Kailangan niyang maghanda. May isang linggo lang siya para ayusin ang lahat: bumili ng ticket, mag-empake, at maghanap ng matutuluyan sa Cebu. Habang naglalagay siya ng mga damit sa maleta, ramdam niya ang bigat ng bawat tiklop ng damit. Hindi lang ito simpleng lipat. Ito ay pagbabalik sa isang lugar na puno ng alaala—mabuti at masakit. Kinabukasan, maaga siyang gumising. Dalawang maleta lang ang dala niya. Sakay ng taxi papuntang NAIA, tinitigan niya ang bintana, sinusubukang i-process lahat ng pagbabago. Paulit-ulit niyang iniisip ang parehong salita: Bagong buhay. Bagong simula. Pero habang nasa boarding area at naghihintay ng tawag para sa flight, napagpasyahan niyang mag-scroll sa phone. Doon siya napatigil. Trending sa feed niya: LOOK: Former Star Player Niko Nuñez spotted in Cebu! Fans say he looks even hotter in person! Kasama ang mga pictures ng isang lalaking nakaupo sa tabi ng dagat, naka-white shirt, mukhang relaxed habang kumakain. At walang duda—siya iyon. Si Niko. Parang biglang bumigat ang dibdib ni Francesca. Hindi siya makapaniwala. So nandun din siya… sa Cebu. Gusto niyang huwag pansinin, pero hindi niya maiwasang basahin ang comments: "Bakit kaya nandito si Niko? Vacation or staying for good?" "Grabe, wala na siyang balak bumalik sa basketball daw!" Pagdating sa Mactan-Cebu International Airport, sinalubong siya ng mainit pero preskong hangin. Iba ang amoy ng simoy dito—parang maalat na may halong nostalgia. Pero sa halip na masaya, mas lalo lang siyang kinabahan. Bitbit ang dalawang maleta, sumakay siya ng taxi palabas ng airport. “Downtown Cebu po, Kuya. Sa may Fuente,” mahina niyang sabi. Habang umaandar ang taxi, dumaan sila sa Marcelo Fernan Bridge. Tanaw niya ang dagat, kumikislap sa ilalim ng araw. Doon siya biglang naiyak nang bahagya—hindi dahil sa ganda kundi dahil hindi niya akalaing babalik siya rito. Napangiti siya kahit pilit. Ang dami nang nagbago. Habang nasa traffic sa Mandaue, kinuha niya ang phone niya para i-check ang mga message ni Dennise. May sinend itong details ng office at schedule niya for orientation next week. Binasa niya iyon, pero hindi niya maiwasang mapansin ang mga notifications ng trending topic—Niko, Niko, at Niko pa rin. Isang bagong video ang lumabas sa feed niya: Niko spotted at a beachside restaurant in Lapu-Lapu City. Fans say he looks happy and stress-free! Pagdating sa Fuente, naghanap siya ng puwedeng tirhan. Pinili muna niyang mag-stay sa isang maliit na inn habang naghahanap ng permanent room for rent. Kailangan niya ng hindi gaanong mahal dahil marami siyang babayaran. Hindi na tulad dati na libre ang condo niya dahil kay Dennise. Habang nakahiga sa kama ng maliit na kwarto, tumingin siya sa kisame. Sa isip niya, isang tanong lang ang paulit-ulit: Handa ba talaga ako para rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD