Erin's PoV: "Ella let's go." Saad ko kay monster na busy ngayon kakanood ng TV at nakade-kwatro pa talaga. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin akong natatanggap na sagot mula sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako. "Huy Ella, tara na kasi." Ngunit katulad din ng kanina ay hindi nya ako pinansin. Ay hindi pala, medyo upgraded ngayon dahil tinapunan nya ako ng tingin atsaka bumalik sa panonood. Napanguso na lang ako bigla. Ini-ignore ng witch na ito ang isang katulad ko huhuhu. Hindi makatarungan yon! "Tara na kasi. Maggrocery na tayo ngayon." Pangungulit ko pa sa kanya. Matatalim na tingin ang nakita kong ibinibigay nya sa akin. "Argh. Hindi ba pwedeng bukas na lang ha? Busy ako ngayon." Masungit nyang saad sa akin. Eh? Nanonood lang naman sya ng TV. Hmp. "Dali na.

