Erin's PoV: "Wifey ko, okay ka na ba? Nakaayos na ba lahat ng gamit mo?" I asked pero ayun, inikutan lang ako ng mata. Napanguso naman ako dahil don. Hmp. Ang aga-aga eh. Mukha atang badmood si Ella. Pero syempre, hindi ako yung may dahilan non noh. Aba! Nakakagoodvibes kaya yung feslak ko. Baka talagang hindi maganda yung gising nya kaya ganto ang mood nya. She scoffed. "Tss. Bakit ba paulit-ulit ka ng tanong? Ang kulit. Naka-unli ka ba ha?" Masungit nitong turan sa akin. Grabe naman talaga si Ella. Para tuloy akong nagsisi na nafall ako sa kanya. Joke lang. Kahit naman ganto ang ugali ni wifey ko ay talagang lab na lab ko sya. Kahit na minsan ay hindi ko rin talaga maintindihan sya. May saltik ata ang isang ito eh. 'Hmp. Masama bang magtanong?' "Oo masama kapag paulit-ulit ka."

