Erin's PoV:
I'm currently here in my condo. As usual, kinakain ko na naman ang favorite ko. Cheren! Pringles uli. Yay.
Oo nga pala, ilang araw na rin ang nakalipas mula ng mangyari yung sa amin ni Ella. Well, hindi naman masyadong big deal sa akin yun. Siguro sa kanya ay oo. But for me, it's just a kiss. Atsaka hindi naman ako nagsisisi na ginawa ko yun. Syempre, nakuha ko ang baby pringles ko hihihi.
Nasa simula palang ako ng movie na 'World War Z' nang tumunog ang aking cellphone.
Tsk. Ano ba yan? Hmp. Andoon na ako mismo sa part na nagkakaoutbreak na ng zombie. Nabitin tuloy ako.
I paused first the movie and checked my cellphone. Napakunot-noo ako nang makita kung sino ang caller. It was my Mom. I answered it without hesitation.
"Hello, Mom. "
"Buti naman at sinagot mo ang tawag ko sweetheart. Dalian mo! Pumunta ka rito sa bahay. Asap!" My mom said. Parang nagmamadali talaga sya. Magsasalita pa sana ako kaso ibinaba na nya kaagad. Grabe.
Mukhang mamaya ko na lang itutuloy ang panonood ko ng movie huhuhu. Magkikita uli tayo mamaya. Inayos ko na kaagad ang aking sarili. I quickly grabbed my keys. Syempre, inilock ko rin ang pintuan.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang papunta sa bahay namin.
What if... may masamang balita or nangyari pala kila Mom?
What if.. ampon lang pala ako?
What if... ipapaarrange marriage na ako? Pero payag naman ako basta gwapo hihihi. Oo na, ako na ang maharot.
Ang dami-daming what ifs ang pumapasok sa isipan. I decided na pabilisan pa ang pagpapatakbo ng aking sasakyan para makarating na agad sa bahay namin.
"Good Morning, Ma'am Erin." Bati sa akin ni Manang nang makita ko sya. Binati rin ako ng ilang mga kasambahay na nakakasalubong ko. Isang ngiti lang ang itinutugon ko sa kanila.
Kahit na kinakabahan, agad akong dumiretso sa living room namin. My mind was filled with confusion when I heard how my mom and dad laughed. At mukhang mayroon silang kausap. I think, it's a girl dahil na rin sa kanyang boses. So bakit nila ako pinapunta dito?
"Hi Mom! Hi Dad!" Masayang saad ko. I kissed both of their cheeks. Mannerism ko na ito.
"Oh sweetheart, mabuti naman at andito ka. Come, sit beside Ella." Automatic na nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang pangalang yon.
At totoo nga, naririto sya. Wala na akong magagawa pa. I composed myself. Kahit labag sa aking loob ay umupo na rin ako sa kanyang tabi.
Hindi ko alam kung may superpowers ba sya because when the moment our skin touched, parang nakuryente ako bigla. Hindi lang pala sya maarte, may lahi din syang witch huhuhu.
"Honey, ang cute nila tignan noh." Natutuwang saad ni Mom. Napatawa naman si Dad. Luh. Anong cute sa amin? Ako pwede pa.
"Pero mas cute ka sa kanila, Honey." Jusko po. Sa harapan pa talaga namin sila naglandian. Pero kung doon sila masaya then it's okay for me.
"Hayst enebeyen Honey. Para namang tanga hihihi..." At binigyan ng hampas si Dad.
Wala sa sariling napatingin ako sa katabi ko. She's smiling at them. Sa tingin ko ay naramdaman nyang may nakatingin sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin.
"Bakit nyo po pala ako pinapunta dito Mom?Anong meron?" Tanong ko para hindi ko na makita pa ang pagmumukha ni Ella Monster.
"Buti naman at pinaalala mo anak. So ayun nga, kilala mo naman siguro ang parents nya diba? At alam mo rin na kaibigan ko ang dalawa yun. Mawawala kasi sila ng ilang buwan at maiiwan si Ella sa house nila. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na magpresinta na sa atin na muna sya"
Napakunot-noo ako. Ano namang kinalaman ko doon? Dito naman pala sya titira sa bahay eh.
"Oo nga pala sa condo mo sya titira for the mean time."
"What?! Mom, bakit sa condo unit ko sya titira? Bakit hindi na lang dito?" Those words suddenly slipped out of my mouth nang marinig ko ang idinagdag ni Mom.
Hindi ko maimagine na magsasama kami sa iisang lugar. Paano na ang cute na si ako nyan? Paniguradong agrabyado ako kay Ella Monster kapag nagkataon.
"Anak, grabe ka naman makareact dyan. Pang best actress." Dad said at tumawa pa. Naaadopt ko siguro yung mga napapanood kong movies.
"Naisip namin ng Mom mo na sayo na lang sya tumira. Kapag dito kasi ay siguradong mabobored sya. Mas mabuti na kasama ka nya because you two are in the same age. Atsaka, nasa isang University din kayo nag aaral. I suggest na sabay na lang kayo pumasok para masaya na." Dad said while smiling.
Mukhang bet na bet nya ang nangyayari. While me, it's a big NO!
"My baby is not alone anymore. I think magiging best of friends talaga kayo nyan. Ayaw mo ba non?" Saad ni Mom. I frowned secretly. At kitang-kita ko kung paano ngumiti ang monster na katabi ko.
"Pero paano po iyan? Iisa lang ang bed sa co---"
"Ang simple naman nyan anak. Edi syempre tabi kayo matulog. Queen sized bed naman yung sayo." Para akong pinagbagsakan ng langit sa aking narinig. Wala na talaga akong magagawa kung hindi ang pumayag.
"I think, it's settled na. Sweetheart, why don't you give Ella a warm hug? Hmm... sounds good right?" Halos magulantang ako sa sinabi ni Mom. Paano pumasok sa isipan nya iyon?
"Ha? I think it's not necessary to give her a h---" Hindi pa ako nakakatapos magsalita when someone interrupted me.
"It's okay Tita. Aam ko naman pong ayaw sa akin ng anak nyo." At pinalungkot pa ang boses.
Ano na naman ba ito? I looked at her and she's giving me her mischievous smile.
"Anak dali na. Sige ka, magtatampo ako nyan." Parang bigla akong natakot sa aking narinig.
Nangyari na kasi ito once. Magtatampo muna sya then lumalabas ang nakakatakot nyang side. Huhuhu. Ayoko ng maulit iyon. So scary.
I heaved a sigh first at pikit-matang ginawa ang kanyang pinaguutos.
I slowly encircled my arms on her nape. Naramdaman kong parang naestatwa sya bigla sa ginawa ko. Once our skin touches, parang nakuryente ako uli. Ipinagsawalang-bahala ko na lang yun.
Infairness, ang bango nya. I wonder kung anong gamit nyang perfume. It's a mix of vanilla and chocolate. Basta ang bango nya.
Paalis na sana ako when I felt that she hugged me back. Now, it's my turn to stiffened. I didn't expect this. I came back into reality when she pinched me.
Wala sa sariling napakagat-labi ako para pigilan ang hiyaw na nais lumabas sa aking bibig.
Argh. Ang babaeng ito talaga! Ang talino nya. Hindi ko man lang naisip na gagawin nya ito.
"Awww... you're now part of our family, Ella. Wag kang mahiya sa amin okay? Treat me as if I'm your Dad sweetheart. And Erin, maging mabait ka sa kanya ha."
"Dad mabait naman talaga ako." Nakasimangot kong sagot.
"Oo nga po Tito. Actually po noong last naming pagkikita, Erin kissed m----" Halos manlaki ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng kabog ng puso ko.
Gosh. May balak si Ella na sabihin ang ginawa ko sa kanya. Ayaw kong malaman yun ng parents ko dahil for sure ay malalagot ako.
Hindi ako nag-aksaya pa ng panahon at agad ba tinakpan ang kanyang bibig. Don't worry, malinis naman ang kamay ko. I placed my arms on her shoulder at pasimpleng pinisil ito.
"Err-- wala lang yung sasabihin ni Ella hehehe."
"Sweetheart do you want a kiss from her?" Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong nagugulat ngayong araw.
"Mom No! It's not what you th---" I stiffened when I felt a something on my cheeks.
*Tsup*
"Denial lang po talaga si Erin, Tita. Nahihiya po sya." The monster said. Pakiramdam ko ay nag-init bigla ang aking pisngi. Geez. Gusto nya talagang iniinis ako ha.
Hindi na ako nakinig pa sa kanilang usapan. Para kasing na blangko ako bigla.
"Take care, my two babies!" Paalam sa amin ni Mom.
Well, ngayon na rin ang lipat-bahay nitong kasama ko. Hindi ko alam kung mag-aabroad ba sya dahil napakadami nyang bagahe. Parang maglalayas naman ang isang ito tsk.
I wonder kung anong mangyayari sa akin nito kasama sya.