Erin's PoV:
"Wifey ko, antayin mo naman ako!" Sigaw ko sa babaeng napakabilis maglakad ngayon na para bang wala syang kasama. Napangiti ako nang makitang huminto sya bigla.
Hay nako. Sabi ko na nga ba at hindi nya matitiis ang cute na katulad ko.
But to my dismay, tinapunan nya lang pala ako ng masasamang tingin bago pinagpatuloy muli ang kanyang paglalakad. Napaface-palm na lang ako sa kawalan. I decided na wag na syang pilitin pa na antayin ako, mukhang masasaktan lang kaie ako kakaantay. Just kidding.
Relax na relax akong naglalakad papuntang elevator ngayon. I guess, nasa loob na ng condo unit ko ang wifey ko.
Siguro ay nagtataka kayo ngayon kung bakit yun ang tawag ko sa kanya. Well, simula nung nangyari ang ganong tagpo. If you remember kay Hailey na ilang araw na rin ang lumilipas, that's the time na nagsimula ang term na 'wifey ko' sa kanya.
Of course, kinacareer ko! Oops wait a minute, kapeng mainit.
Hindi yan katulad nung iniisip nyo ha. Inaasar ko talaga sya sa totoo lang at wala ng iba pa. Mukha ngang napakaeffective dahil kitang-kita ko palagi ang pagsama ng expression nya. Ang galing ko talaga.
Infairness, masasabi kong may pagkacute rin si Ella kahit na palaging magkasalubong ang dalawa nyang kilay. Parang naiimagine ko tuloy sya. Bagay na bagay talaga sa kanya ang 'monster'.
Bago ko makalimutan, kakarating lang namin mula sa University at syempre, magkaiba kami ng kotse na sinakyan. Nagkataon lang talaga na nagkasabay kami sa parking lot at ayun na nga ang start ng storya.
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang tunog ng elevator. That means, andito na ako sa aking floor. Mabilis akong naglakad papalabas.
Hindi ko maiwasang mapakunot-noo nang makitang nasa labas pa rin ng pintuan si Ella. Nakasandig sya sa isang pader with her bored look.
'Oh my. Magkatabi yung dalawang pader.' I said on my mind. Baka mamaya, marinig yan ni Monster at ano pang magawa nya sa akin.
Napatunayan kong may pagkasadista nga sya. Laging akong nakakatanggap ng kung ano-ano sa kanya eh. Kawawa naman ako.
Hmp. Dapat nirereport sya for cute a***e dahil sa mga ginagawa nya sa akin.
"Anong ginagawa mo dyan at hindi ka pa pumapasok?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Hindi naman ako nagpalit ng passcode eh at alam naman nya yon.
"I'm just making sure na wala kang makakasalubong na hitad dyan." Nakataas-kilay nyang saad. Mas lalo akong naguluhan.
Anong hitad ang tinutukoy nya?
"Be aware dahil nagkalat sila ngayon at yung isa, ayun papunta na sa direksyon natin." Dagdag pa nya. Nacurious ako bigla sa sinabi nya kaya napalinga-linga ako sa paligid.
Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ba ako ni Ella o gumagawa lang sya ng kwento dahil wala naman akong makitang hitad sa paligid.
Gosh. Maybe, may nakikita syang hindi ko nakikita. Ang taray naman ni Ella, may special ability.
Tanging si Hailey lang ang nakita kong papalapit sa amin. She's waving her hands. Hindi ko maiwasang gantihan ang ngiti sya. Alam nyo naman ako, may pagkafriendly. I noticed na nakasuot din sya ng uniform na katulad ng sa amin. So that means, sa Sarxel University din sya nag-aaral.
"Hi Erin!" Masayang bati nya sa akin.
"Oh, hi Hailey! Schoolmates pala tayo." Magiliw kong saad sa kanya. I heard she giggled.
"Kaya nga. Sign na siguro ito na destined tayo sa isa't-isa." Napatawa naman ako bigla sa biro nya. Might as well sakyan nga.
"Bet ko yan pero mas bet kita." I said to her and gave her a wink.
"Excuse me?! Dito pa talaga sa harapan ko kayo naglandian?" Masungit na saad ni Ella. Sabay kaming napabaling sa kanya. Nakakunot na ang dalawa nyang kilay. Well, medyo expected ko na yun.
I gulped nang mapansing parang may kung ano na namang nabubuong aura sa kanya. Oh so scary.
"You b***h! Didn't I tell you the last time na may asawa na yang nilalandi mo?" at tinuro pa si Hailey.
"Ilang beses ko pa bang kailangang sabihin sa'yo yun ha?" Mabilis kong hinigit papalapit sa akin si Ella but she just gave me her famous death glare. Nagitla ako bigla ngunit hindi ko sya binitawan.
"Ella, relax." Bulong ko sa kanya. Nakita kong napapikit sya nang mariin.
"I'll let this pass for now. If you excuse us, may gagawin pa kami. You know, married couple things." Nanlaki bigla ang aking mata sa aking naririnig.
What is she talking about? Gosh. Pero parang nakakaexcite sya ha. Abangan ko nga yan mamaya.
I was about to say something nang maramdaman kong walang ano-anong hinila na ako papasok ni monster.
Isang apologetic look na lang ang tanging naibigay ko kay Hailey. Gusto ko pa naman syang maging kaclose. I think, magciclick kaming dalawa.
Napabalik ang atensyon ko kay Ella nang marinig kong padabog nyang binuksan ang pinto ng room namin.
I heaved a sigh. Maybe, magpapalit muna sya ng damit dahil nakita ko syang pumunta muna sa walk-in closet namin.
I decided to change my clothes too sa mas comfortable. Well, nandito na rin naman kami sa bahay.
Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi ko pa rin nakikitang lumabas or nagbukas man lang ng door si Ella. I composed myself first bago napagdesisyunang sundan sya.
And there, I saw her. She's already lying on the bed. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa kanyang tabi.
"Ella..." Pagtawag ko sa kanya. Well, alam ko naman kasi na hindi sya tulog. Mahinang tinapik ko ang kanyang kamay.
"Hey Ella."
"Ugh! Ano bang kailangan mo?" Naiinis nyang saad sa akin. I heard she groaned. Oh my. Sabi ko na nga ba at tama ako eh.
"Harap ka naman sa akin, wifey ko." Malambing kong saad sa kanya. Pfft-- maasar pa nga lalo. Narinig kong mas lalo syang naghumerentado.
Hindi ko maiwasang mapatawa. Napabangon sya bigla.
"Huwag mo nga akong tawaging ganyan. Tss. Kinikilabutan ako!" Mataray nyang saad sa akin. Napailing na lang ako sa kawalan.
"So care to tell me kung bakit parang ayaw na ayaw mo kay Hailey?" Pagchechange topic ko. Akala nya siguro ay nakalimutan ko yun ha.
"Basta. I can't explained it. Don't mention her name nga." At nagcross-arms pa talaga.
"Wala namang ginagawang masama yung tao sa'yo. Bakit ang init ng dugo mo sa kanya?"
"I don't like her. May nabavibe ako sa kanya." Nakita kong napakuyom bigla ang kanyang kamao. I gulped. Hindi pa rin pala sya okay.
Dahan-dahan kong ipinatong ang aking kamay sa kanya. Hindi pa ito nagtatagal ngunit ramdam na ramdam ko na agad ang masasamang tingin na ipinupukol nya sa akin.
"Ang hilig mo ring pumatol sa mga humaharot sayo." May halong diin nyang saad sa akin. Napakagat-labi na lang ako sa sinabi nya.
"Eh? Friendly lang talaga akong tao." I said to her. Of course, hindi ko maiwasang magtaka but I decided na manahimik na lang.
Mukha atang namali yung nasagot ko dahil naramdamang kong mas lalong lumakas ang dark aura na pumapalibot sa kanya.
Parang anytime ay pwedeng-pwede na syang magsuper saiyan. Woah, ang cool
I heaved a sigh. She was about to say something nang mabilis ko syang hinila papalapit. Now, automatic syang napayakap sa akin.
"Ugh! Get off nga Erin." Masungit na saway nya sa akin. Agad syang nagpumilit na kumawala sa akin.
But I shooked my head. Ayoko nga. Hindi pwede. May password at nakalock na. Just kidding.
Pero seryoso, hindi ko hayaan si Ella na makaalis mula sa akin. I know naman na mamaya ay titigil din sya.
Ilang minuto na ang nakalipas at hindi nga ako nagkamali. Naramdaman kong huminto na sya.
Dahan-dahan kong iniangat ang aking kamay. I started to gently caress her hair. I hope na medyo bumaba ang tension sa kanyang katawan.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang maramdaman na unti-unting lumilingkis sa aking batok ang kanyang kamay.
Eto na naman muli ang pagbilis ng pagkabog ng puso ko. Magpapacheck-up na nga ako sa doctor at nang malaman ko kung ano ito. Maaagapan ko agad. Ang weird kasi eh.
"I hate you Erin." I heard Ella said at mabilis na nag-angat ng tingin sa akin. Napatawa naman ako bigla.
"Don't worry, the feeling is mutual. I hate you too." Saad ko sa kanya. Nakita kong naparoll-eyes na lang sya sa kawaln. Patitikin ko yan kakaganyan mo sige.
"Tss. I know but, wag mo nang mas lalo pang palalimin ang pagkahate ko sa'yo. As much as possible ay gumawa ka ng paraan para hindi kayo magkita ng Hailey na yon." May pagkamaldita nyang saad.
Aish. Talagang hindi nya gusto si Hailey.
"Mabait naman sya ah. Gusto ko syang maging kai---"
"Isa, Erin. Sinabi ko na ang sinabi ko. I'm your wife right?" Nanlaki bigla ang aking mata sa aking narinig. Napaawang ang aaking bibig sa gulat.
Oh my gosh!
Tama ba yung narinig ko?
Pero relax lang, Erin. Mamaya ka na kiligin dyan. I took a deep sigh and composed myself.
"Yes po, Commander--- este Wifey ko!" Gosh. Muntik na akong mamali don. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero parang may nakita akong munting ngiti sa kanyang labi.
I hope, masilayan ko yung muli.
We stay in that position for a while nang may naisip ako bigla.
"Ella, tara punta tayo ng Ice Cream Parlor." Pag-aya ko sa kanya. Suddenly, parang nakita kong nagningning ang kanyang mata ngunit mabilis nya rin yung binawi.
"Na-uh. Ayoko nga. Dito na lang ako sa unit." She said.
Napanguso naman ako bigla. Bakit hindi na lang sya pumayag? Alam ko namang gusto nya rin. Ano bang trip nitong si Ella ha?
"Dali na Ella. Sama ka na sa akin. Dyan lang naman oh." Pagpupumilit ko sa kanya ngunit patuloy pa rin ang pag-iling nya bilang sagot.
Napabuntong-hininga na lang ako at dahan-dahang lumayo sa kanya. Alam kong nakasunod ang kanyang tingin sa akin.
Papalabas na sana ako nang marinig ko syang magsalita muli.
"Oh, saan ka pupunta?" Nakataas-kilay nyang tanong sa akin "Sa Ice Cream Parlor. Si Hailey na lang ang yayayain ko tutal ayaw mo n---"
"No way! Don't you dare to invite that b***h! Ugh. I changed my mind. Tara na nga." Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang bigla syang sumabat.
Oh diba? Ang g**o nya talaga. Kani-kanina lang ay umaayaw sya tapos ngayon--- aishh.
Pinatungan na lang namin ng jacket ang aming top. Well, hindi na kasi kami nagpalit ng damit. Kering-keri naman namin. We also decided na maglakad na lang dahil nga malapit lang talaga sya. Parang nasa kabilang kanto lang eh. Ang bongga diba?
Ramdam na ramdam ko kaagad ang malamig na atmosphere nang makapasok kami. Gosh, ang lamig. Buti at may jacket kami.
Agad kaming nag-order ni Ella. Parang nakakatakam tignan yung nga display. Parang gusto kong tikman lahat pati itong kasama ko--- erase, erase, erase.
Masaya kaming umupo ni Ella sa isang 4 seater na table. Cookies and Cream ang inorder nya habang sa akin naman ay Coffee Crumble. Tahimik kaming nagsimulang kumain. We're just enjoying the peaceful atmosphere of this shop. Ang refreshing.
Suddenly, I noticed na may something sya sa kanyang lips. Mukhang hindi nya ata napansin.
Agad kong kinuha ang tissue at inoffer yon sa kanya. But she just gave me a clueless look.
"Anong gagawin ko dyan?"
"You have something on your lips. Mukhang dahil dyan sa ice cream." I said to her. Nakita kong napataas-kilay sya bigla.
"Won't you wipe it for me? May pagkagentle ka naman siguro sa katawan noh?"
Now, it's my time para mapataas-kilay. "Wala tayo sa mga movie Ella. Sige na, kaya mo naman yan." Natatawa kong saad sa kanya.
Well I guess, ganon ang ine-expect nyang gawin ko. Sa totoo lang ay naisip ko na yun kanina. At tama nga ako.
We continued eating our ice cream nang may biglang dalawang lalaki ang napansin kong nakatayo sa tapat ng table namin.
"Hi girls." Boy 1 said.
"Mukha atang nag-iisa kayo ah." Boy 2 said at ngumiti pa ng malawak. Hmp akala nya siguro kinagwapo nya yun.
Pasimpleng pinasibadan ko sila ng tingin. May itsura naman sila at gwapo pero parang may pagka fvck boy ang galawan?
Hindi naman sa judgemental pero parang alam ko na kung saan na ito patungo.
"My name is Jeremy nga pala." Boy 1 said at inoffer ang kanyang kamag sa akin. Napilitan ko tuloy na abutin yun at nakipag-kamay pa.
"Hi. I'm Adrian. What's your name gorgeous?" Boy 2 said kay Ella. As expected, hindi nya inabot ang kamay ni Adrian. Hmp. Iwas ka dyan Boy 2. Baka mamaya magsuper saiyan yan bigla.
Lihim naman akong napatawa sa aking naisip.
"Hala. Baka mamaya, may magalit ha. May boyfriend na ba kayo?" Natatawang saad ni Jeremy at pasimple pa talagang hinawakan ang aking kamay.
Parang kinilabutan ako bigla.
"Get your filthy hands off her." May halong awtoridad na saad ng kung sino. Boses pa lang, kilalang-kilala ko na.
"Pardon Miss?"
"Are you dumb? Tss. Ang sabi ko, alisin mo yang nakakadiri mong kamay sa kanya!"
My eyes widen in shock. Talagang hindi nya papalampasin ang isang ito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko but kailangan ko syang pigilan sa kung ano pa nyang sasabihin.
"A-Ano pasensya na ha sa sinabi nya. Uhm... May gagawin pa kasi kami. So if you excuse us, we'll go ahead bye!" Hindi ko na sila pinagsalita pa at agad ko nang hinila papalayo si Ella.
"Dumbass. Maggirlfriend kami so don't even try to flirt with us!" I heard Ella shouted. Napaface-palm na lang ako sa kawalan. Akala ko ligtas na eh. Hindi pa pala.
Inayos kong muli ang aking sarili bago bumaling sa kanya.
"Let's go now Ella. Mukhang inaantay na tayo ng mga babies natin." Nakangiti kong saad sa kanya bago tumalikod.
"Yeah. Siguradong nag-iintay na sila. Bilisan na natin." She said at walang pasintabing pinagsaklop ang aming mga kamay.